^

PSN Showbiz

Di na si Joyce ang "Pantasya ng Bayan", si Rica na!

-
Naiilang si Rica Peralejo kapag tinatawag na "Pantasya ng Bayan" dahil mayro’n daw nagmeme-ari ng titulong ito. "Nakakahiya naman kay Joyce, siya ‘to," sabi niyang nahihiya.

"Hindi ako sanay. Bata pa kasi ang tingin sa akin ng tao pero, unti-unti masasanay din sila sa bago kong image. Ako rin naman, I am slowly getting used to it, sabi niya during the presscon of her movie Sa Huling Paghihintay opposite Bernard Palanca.

"May tugtog siya sa Virgin Café," paliwanag niya sa hindi pagdating ng kanyang leading man at sinasabing ka-MU niya sa kasalukuyan.

"Hindi kami MU no!" tanggi niya.

When asked kung bakit siya hindi mapakali nung pasyalan siya ng press sa set ng kanyang pelikula sa Pila, Laguna na kung saan ay sabay nila silang ininterview ni Bernard.

"Kasi po, nakaka-embarrass naman na tinatanong niyo ako ng tungkol sa kanya eh kaharap siya. At saka, talagang hindi siya nanliligaw sa akin no?" ulit niya.

Nun at hanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na magkakaroon ng katuparan sa tunay na buhay ang kanilang romansa sa pelikula.

Maraming press ang nagsasabi na bagay sila. Maging ang direktor nila sa movie na si Erik Matti ay naniniwala na may maganda silang kahahantungan, kaya nga inspired ito nang kunan ang kanilang underwater love scene sa Anilao, Batangas. Ang eksenang ito ang kasalukuyang ipinalalabas sa mga sinehan ngayon during intermission at marami ang napapalatak at kinikilig sa nasabing eksena.

Obvious na na-miss niya ang kapareha kaya nang tanungin siya kung panonoorin ba niya ang pagtugtog nito sa Virgin Café nang gabi yun, buong yumi niya sinabi na "Kung tatawagan niya ako’t iimbitahin."
* * *
Okay din pala kay Matet de Leon na maging kontrabida sa pelikula. Katunayan may offer siya para maging kontrabida ng isa ring bagets na aktres sa isang bagong palabas sa TV pero tumanggi ang kanyang manager na si Angge. (Cornelia Lee) dahil naniniwala ito na makapagbibigay ng masamang epekto sa kanyang alaga ang pagtanggap ng kontrabida role gayong nagsisimula pa lamang itong gumawa ng pangalan. "Baka-ma-type na kontrabida," ang dahilan niya. "Kung pwede namang bida bakit magko-kontrabida. Saka na lang, pag established na siya," dagdag pa nito.

Kasama si Matet sa pelikulang A Ba Ka Da...Ina na maghuhudyat ng muling pagbabalik ng magaling na aktor na si Eddie Garcia sa pagiging direktor. Ginagampanan niya ang role ni Gina, isa sa mga anak ng isang no read-no write mother, (Lorna Tolentino). Hindi mataray ang kanyang role bagaman at ikinahihiya niya ang kawalan ng edukasyon ng kanyang ina sa movie.

Ang A Ba Ka Da...Ina ay medyo natagalan bago nagawa. Bukod sa talagang hinintay ang pagluluwag ng sked ni Eddie, ang role ng ina na si Beth ay kung kani-kanino muna inalok bago tuluyang napunta kay Lorna.

Ang konsepto ng pelikula ay hango sa mga case studies ng Female Functional Literary project na ginawa ng AusAid-UNICEF-GOP. Walang producer na gustong tumanggap nito nung una dahil hindi raw komersyal. Mas gusto nila ang bold movies na maliit na ang budget ay humahataw pa rin sa takilya. Pero, muli nagsusugal ang Viva sa istorya nina Ramon Bayron at Shaira Mella-Salvador. Kasabay sa isinasagawang paghahanap ng DECS-LCC ng mga outstanding Literacy workers, ipalalabas ng Viva ang A Ba Ka Da...Ina na may layuning makapagbigay ng isang magandang panoorin, isang family drama na maiintindihan ng Pinoy sa pamamagitan ng language of entertainment.
* * *
Hindi ko naman maintindihan kung bakit kinakailangan pang ipaliwanag ng action star na si Ronald Gan Ledesma na hindi siya si Roland Ledesma na direktor bilang depensa sa maraming panulat na lumalabas na diumano ay may monopolya siya sa MMG Entertainment sapagkat bukod sa pagiging artista ng mga pelikula na ginagawa dito ay siya pa rin ang direktor at producer ng mga ito.

Sinabi ni Ronald sa isang panayam during the presscon of his latest starrer, Panabla, na aktor lamang siya sa mga pelikula niya. Hindi siya ang Roland Ledesma na nagdidirek ng pelikula at lalong hindi siya ang Ledesma na producer ng mga ito. Ama niya si Roland Ledesma na hindi Ronald Gan Ledesma na pangalan niya o kaya ay ang isa pa ring direktor na Ledesma na si JR Ledesma, ang isa niyang kapatid na babae. Ang producer ng MMG Entertainment ay ang kanyang ina naman na si Estela Ledesma.

Mayro’n pa ring isang Ledesma na artista rin pero, babae ito at nakakabata niyang kapatid, si Yam Ledesma. Bukod sa pagiging artista ay isa rin itong recording artist ng MMG Records.

"Artista lang ako sa mga pelikula ko. Iba ang Ronald sa Roland," pagtutuwid niya.

May bagong pelikula si Ronald Gan na ang pangalan ay kuha sa isang dating Pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan, idolo ng kanyang ama na siyang nagbigay sa kanya ng pangalan. Ito ang Panabla na kung saan ay kapareha niya si Angela Velez. Bago ito, siya pa rin ang bida sa Hindi Sisiw Ang Kalaban Mo na kung saan ay naging kontrabida niya sina Zoren Legasapi at Roi Vinzons. Labis ang katuwaan ng mga Executive Producers ng MMG na sina Arvin at Evelyn Mateo dahil nag-hit ang pelikula.

"Handa naming sugalan ang lahat ng gagawin ni Ronald para sa MMG dahil naniniwala kami sa kakayahan niya. Maraming mas malalaking pelikula siyang nakasabay sa probinsya pero, inilampaso niyang lahat ang mga ito," wika nila.

Bukod sa kanila ni Angela, kasama pa rin sa Panabla sina Katrina Paula, Romy Diaz at marami pa. Direksyon ni JR Ledesma.

LEDESMA

NIYA

ROLAND LEDESMA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with