^

PSN Showbiz

Show ni Maricel-Cesar, masisibak na?

-
Matapos mapunta kay Vilma Santos ang pelikulang Dekada ’70 nagsisintir na naman daw ngayon ang followers ni Nora Aunor dahil sa isang project na naman ng Star Cinema ang napunta naman this time kay Maricel Soriano.

Lumabas nga na dalawang beses na natsugi ang tinaguriang superstar sa dalawang proyekto ng Star Cinema.

Pero ayaw naman itong patulan ni Ms. Soriano dahil para sa kanya ay trabaho lang ito.

"In the first place, hindi naman ako ang nakikipag-usap or nakikipag-negotiate pagdating sa mga projects ko. Nand’yan si Manny (Valera, her business manager) na siyang umaayos ng lahat," sabi pa ni Maricel.

"Basta ako, nagtatrabaho lang. Wala namang problema sa akin kahit second or third choice lang ako. Kilala n’yo naman siguro ang nanay n’yo!

"Kaya hindi ko na siguro kasalanan kung ako na ang gagawa o pumalit sa isang project. May mga pagkakataon lang talaga na hindi natin puwedeng iwasan," aniya pa.

Samantala, tinawanan lang ni Maricel ang isyung masisibak na ang sitcom nila ni Cesar Montano sa ABS-CBN at isang show daw ni Vilma Santos ang siyang ipapalit.

Ngiti rin lang ang isinagot ni Maricel sa balitang lilipat na siya ng GMA 7. — R Perez

CESAR MONTANO

MARICEL

MARICEL SORIANO

MS. SORIANO

NORA AUNOR

STAR CINEMA

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with