Aya, afraid sa bagong MTRCB
February 19, 2001 | 12:00am
Bakit may mga babaing kung tawagi‘y parang Diyosa? Sila ‘yung kay raming humahanga sa angking kagandahan. Pero, ibang klaseng ganda ang taglay ng karakter na ginagampanan ng "Papaya Queen" na si Aya Medel sa kanyang bagong pelikulang Venus (Diosa ng Kagandahan). Dito‘y hayop ang kanyang dating na bawat madaanang lalaki‘y naaakit sa kanya at halos mabaliw sa pagnanasang siya’y maangkin!
"Ibang klase nga ang papel ko rito," wika ni Aya. "At hindi maiiwasan ang maraming hubad na eksena. Noong una‘y medyo atubili ako na gawin ang bold scenes ko rito dahil alam kong medyo mahigpit ngayon ang bagong MTRCB. Pero, dahil siniguro naman sa akin ni direk Bing Santos na ang lahat ay gagawin namin nang naaayon sa maingat na pagkaka-iskrip, pumayag na rin ako. Naniniwala akong hindi ito mapuputulan kahit na pinaka-bold ko pa ito."
Sa kabuuan ang Venus (Diosa ng Kagandahan) ay isang de kalidad na bold movie na napapanahon at da best ni direk Santos. Sabi nga niya: "Ibinuhos ko na rito ang lahat ng natutunan ko sa mahabang panahong ginugol ko sa showbis na kung saan ay naging lay-out artist ako, reporter, composer, production designer, scriptwriter at direktor. Natutuwa ako‘t walang kiyeme rito sa paghuhubad si Aya pati na ang kanyang co-star na si Katrina Paula"
Mula sa Atlantic Films ni Ramon Lee, ang Venus… ay tinatampukan din nina Ramon Christopher, Franco Guerrero, Jess Sanchez, Allen Dizon, Paulo Rivero, Zandra Amor, Odette Khan, Honey Blanca at ang magandang baguhan na si Rosalinda Rosal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended