Bigyan daan si Diwata
February 15, 2001 | 12:00am
"Puwede ho ba akong maghubad?" Isang nakakagigil na tanong ng isang magandang dalaga na nasa entablado. At kung isa ka sa mga nanonood, tiyak na sasagot ka ng oo dahil ang isang ito’y batambata at tipong artista. Ngayon, dahan-dahan niyang aalisin ang kanyang suot na jacket at hahanga ka sa iyong makikita. Siya’y seksi at mapanukso bigyan-daan ang "Singing Goddess" na si Diwata!
Labingwalong taong gulang lamang si Diwata, ay nadiskubre ng composer-producer na si Sunny Ilacad ng Asiatec Music Productions habang nagpe-perform bilang lead vocalist ng 820 Band sa isa sa mga sikat na klab sa Metro Manila. Nahalina sa kanyang kakaibang karisma at tinig, siya’y inalok kaagad ng isang recording contract sa kondisyong maghihintay ng tamang panahon para makakuha ng mga nababagay na materyales para sa kanya. Pagkatapos ng ilang buwan, sinabi ni G. Ilacad ang magandang balita na tapos na ang kanyang paghahanap.
"Hindi ho ako halos makapaniwala sa pangyayaring ito," wika ni Diwata. "Hindi ko akalain na totohanin ni Tito Sunny ang kanyang sinabi noon. Marami na kasing nag-alok sa akin pero ang mga iyo’y tungkol sa pagiging bold star. Hindi ko pinansin ang mga iyon dahil hindi ko kayang maghubad sa pelikula. Oo nga’t nagseseksi ako bilang singer pero hanggang doon lang. Kaya nang sabihin ni Tito Sunny na maaari kong i-capitalize na lang ang ganitong image sa recording, laking katuwaan ko."
"May estilo siya na masasabing flexible," sabi naman ni G. Ilacad. "Ang ibig kong sabihin, puwede siyang sumikat sa kasalakuyang trend at mamalagi pa sa susunod. Sa aking karanasan, hindi pa ako nakakakita ng isang talent na tulad ni Diwata. Sa kanyang angking ganda at paraan ng pag-akit sa audience, hindi lang siya isang star-in-the making. Tulad ng kanyang pangalan siya’y maihahalintulad sa isang diyosa!"
At ang kanyang album? Mas maiintriga kayo dahil ang pamagat nito’y Diwata: Sisirin Mo abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended