Ogie's 'Moments of Love'
February 13, 2001 | 12:00am
Magkakaroon ng Valentine Concert ang pop singer na si Ogie Alcasid ngayong Pebrero 14 na pinamagatang Moments of Love. Ang pinaka-awarded balladeer ay magtatanghal ng mga timeless love songs at ng mga sariling hits na gawa niya para sa selebrasyon ng araw ng mga puso. Magbibigay din si Ogie ng "sneak preview" para sa nalalapit na album niya mula sa MCA Universal na may pamagat na "Movie Moments". Ang album ay naglalaman ng sarili niyang bersiyon ng "Kailangan Ko’y Ikaw", ang hit song na ginawa niya para sa kaibigan niyang si Regine Velasquez. Naglalaman din ito ng mga movie theme song classics.
Ang "Moments of Love" ay gaganapin sa Nth Degree, sa 1547 Adriatico St. Malate. Si Archie Castillo ang magiging musical director. Mag-uumpisa ang palabas ng 9 p.m. Ang tiket ay mabibili sa halagang P800.00 kasama ang advanced copy ng CD na "Movie Moments".

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 3, 2025 - 12:00am