May new suitor si Mystika
February 12, 2001 | 12:00am
"I’ve been doing shows all over at siyempre, kahit paano during breaktime, pag walang show, we get this chance to talk to these OFWs, especially when we went to Singapore, Japan kung saan talaga umaagos yung Pinoy workers doon, nagkakaroon na kami ng pagkakataon na malaman yung mga problems and sentiments nila," pahayag ni Miriam Pantig nang kausapin ko kamakailan hinggil sa proyektong Awit Abroad Album.
Dalawa ang kanta ni Miriam sa naturang album, "Maayos na Buhay" at "Para sa Inyo, OFW ng Buong Mundo" kung saan kaduweto niya ang kaibigan niyang si Jo Awayan. "Nakaka-relate ako sa kanta kong "Maayos na Buhay", kasi, breadwinner ako for the longest time. Ngayon, hindi na masyado, kasi, yung mga brothers ko, maayos na ang trabaho nila, nagtutulung-tulong na kami, unlike before na halos ako talaga lahat."
Pinasok na rin ni Miriam ang pelikula kamakailan nang lumabas siya bilang isa sa mga amiga ni Lorna Tolentino sa Sugatang Puso. Kung may dumating pang offer sa akin sa pelikula, tatanggapin ko, kung may panahon, kasi, lately, busy na rin ako sa aming business, we opened up a spa business in Annapolis, Greenhills, Spa 905. But I still do a lot of shows."
Si Miriam ay dating Mutya ng Pilipinas-Miss Talent at nagkaroon ng pagkakataon na maging "Miss Saigon" finalist sa isang audition worldwide. Pitong taong gulang pa lamang siya ay hilig na niyang kumanta hanggang maging Student Canteen champion siya noong nasa high school pa lamang.
Sakaling magsimula nang i-promote ang album sa ibang bansa, sabi ni Miriam, "Of course, kahit busy ako, may time akong mag-promote ng Awit Abroad, lalo na sa Europe. I like Italy and London."
Year 1989 pa, naging close friends na sina Miriam at Jo Awayan. Manileña si Miriam at nakilala niya si Jo sa Cebu nang mag-show siya doon noon. "Actually," sabi ni Miriam, "I started singing professionally in 1979, that was during the Student Canteen days. Ang hosts noon, sina Eddie Ilarde, Coney Reyes, Bobby Ledesma and Helen Vela. Nagkaroon ako ng plaka under Dyna Music noong 1981. After that, I concentrated singing abroad, in music lounges, that is, after my contract with Dyna expired."
Inaamin ni Miriam na, "I am married but separated na. I was once married. Tumagal lang ng three years yung marriage ko. Nagkaanak ako. She is now 16. Malaki na.
"Yung separation kong yon sa husband ko, that was in 1989, nakatulong yon sa pagkanta ko. I mean, mas nagkaroon ng puso yung mga kanta ko. Lahat ng mga sentimyentong kanta, nagkaroon ng puso lahat.
Sina Barbra Streisand at Patty Austin ang mga paboritong mang-aawit ni Miriam. "Pero sa local singers, talagang fanatic Verni Varga ako. Ibang klase siyang kumanta. Lahat nandun. Kahit anong season mo siya ilagay, sasabay siya."
Walang show ang Mall Entertainment King na si Rey Salac ngayong Valentine’s Day. "Tatawagan ko na lang yung mga friends ko to share with them, the spirit of Valentine," sabi niya noong Lunes. "Tulad din kasi ng Pasko, ang Araw ng mga Puso, para sa akin, ay araw din ng pagbibigayan."
Ayon kay Rey, pinaka-memorable yung panahon na mapili siyang Mr. Valentine noong 4th year high school student pa siya sa Katipunan National High School sa Zamboanga del Norte.
Late 60s, nagpunta ng Maynila si Rey at nainlab siya sa isang secretary ng isang encyclopedia company. "Pero hindi nagtagal yung relationship na yon. Ganun siguro talaga ang kapalaran ko. Umibig na ako sa limang babae pero laging ganun ang nangyayari, kabiguan. Minsan, iniisip ko, ito siguro ang gusto ng Diyos para sa akin. Ako na nga mismo ang humiling sa Kanya na gawing manhid ang puso ko. Na hindi na ako umibig pang muli. Pero kung may darating, bakit hindi? Kahit sa edad kong ito ngayon, I am not closing my doors."
Mukhang may umuusbong na pag-ibig ngayon sa puso ni Rey. At gaano katotoo na nililigawan niya ngayon si Mystika? "Totoo yan," pag-amin niya. "The first time I met her, iba ang naramdaman ko sa kanya. Gusto ko yung pagiging tunay na tao niya. Hindi siya plastik. Natural na natural talaga siya. Serious ako, masaya siya, kaya siguro pag nagkatuluyan kaming dalawa ni Mystika, ang saya naming dalawa, di ba? Ang problema lang kasi sa nadarama ko para sa kanya, may nagmamay-ari na pala ng puso niya. So, it’s very hard on my part. Gusto ko sanang ipaglaban ang pag-ibig ko. Hihintayin ko na lang yung panahon na may mangyari if we are meant for each other."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended