^

PSN Showbiz

Naka-2 boyfriends after Noynoy

-
Marami ang nagtataka kung bakit sa ginanda-ganda ni Korina Sanchez ay walang balita tungkol sa lovelife niya. After Noynoy Aquino ay wala nang lalaki na na-link sa kanya. Bakit? Intimidated ba sila sa talino niya? Is this the reason kung bakit napaka-daling maniwala ng tao na may kaugnayan siya sa dating Pangulong Erap?

"I am stupid when in love pero di naman napaka-estupida para gawin yung mga ibinibintang nila. I was never in for the taking, never had been. Yung mga few items of value na ibinigay sa akin ng Malacañang ay isinoli ko. Siguro, kaya nila ako itsinitsimis ay dahil I am never intimidated by anybody. Not even the President of the Philippines, dahil alam ko na tao rin siya na pumupunta ng banyo," pagsisimula niya during an intimate lunch with a few entertainment press.

"Hindi naman takot sa akin ang mga lalaki. In fact, naka-dalawang boyfriends pa ako after Noynoy kaya lang madali ring nawawala siguro, dahil naa-outgrow ko," dagdag pa niya.

Sa ilang mga survey na lumabas, palaging prominent ang pangalan niya sa mga electoral preferences, mas una pa nga ang pangalan niya sa pangalan ng maraming pulitiko at kilalang personalidad. Ibig sabihin ba ay sasali na rin siya sa pulitika? Iiwan ba niya ang mga programa niya kung sakali?

"Mahal ko ang trabaho ko. Hindi ko siguro maiiwan ang mga ito. Masyado nang malaki ang ginugol ko na panahon at pagmamahal sa mga ito para ipagpalit ko sa pulitika.

"Marami ang kumukumbinsi sa aking mag-senador at kung paniniwalaan ko ang survey, panalo na ako pero, ayoko kaya, please, huwag akong pilitin. Mas fullfilled ako as a broadcaster.

"Ako ang nakauna kay President Gloria Macapagal Arroyo. Nung October ko pa siya nakausap para sa Balitang K. It was my highest rating ever. Nun pa nangako na siya na sa akin ang unang interview kapag presidente na siya. Tinupad naman niya."

Isasakripisyo rin ba niya ang pag-ibig para sa kanyang career?

"Siguro, kapag nakita ko na ang tamang lalaki para sa akin. Wala naman akong pangarap na tumandang dalaga. Gusto ko ring magkaroon ng pamilya pero, hindi pa siguro ngayon. In fact, hindi nagtatagal ang mga nagiging relasyon ko dahil naa-outgrow ko nga," pagtatapos niya.

Recently ay na-award siya ng Bantayog Lingkod Bayan Award ng Mabuhay Filipino Achievers Council at ng Young Achievers Award for Media and Journalism mula sa Parangal ng Bayan Awards.

Ang kanyang radio program sa DZMM (630 khz AM), 8:00-10:00 n.u. ay palaging nasa No. 1 at ang Balitang K ay No. 2 sa overall para sa Multi Weekly Daytime Programs sa Metro Manila. Paborito rin itong panoorin ng mga Pinoy sa abroad.
*****
Ano’ng isang bagay ang pinagkakaabalahan nina Freddie Aguilar, Mike Hanopol, Rey Valera at Vehnee Saturno? Gumagawa sila ng isang katangi-tanging album na pinamagatang "Saga: Ang Aming Awit." Layunin nila na maibalik ang dating sigla ng Original Pilipino Music sa pamamagitan ng mga kantang nagpapahayag ng damdaming Pinoy sa kasalukuyang panahon.

Sa industriya ng musikal lokal, maituturing na isang malaking kasaysayan ang pagsasama na ito nina Freddie, Mike, Rey at Vehnee. Kaya sila’y tinawag na Saga — may kanya-kanyang galing at kasikatan na mahirap pantayan. Si Freddie ay may record na mahigit sa anim na milyong kopya ng "Anak" na nabenta sa buong mundo. Si Mike ang nagpauso ng Pinoy Rock noong 1973. Si Rey naman ay namayagpag sa pop music noong dekada 80. Samantalang si Vehnee hanggang ngayo’y may mga komposisyon na nagiging tuntungan ng mga bagong sumisibol na mang-aawit.

Mula sa Asiatec Music Productions, ang nasabing album ay kinapapalooban ng carrier single "Ang Aking Awit," "Susmaryosep," "Para Kang Asukal," "Anak ng Jeprox," "Dito Sa Aking Piling," "Long Shot," "Darating Din (Ang Araw Mo)," "Pilosopo sa Kanto," "Araw," "Magmahalan," "Pag-aaral" at "Hoy, Juan." Ipinamamahagi ito ng Concorde Records sa VCD at cassettes.

ANAK

ANG AKING AWIT

ANG AMING AWIT

BALITANG K

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with