^

PSN Showbiz

Ama ng dinadala ni Ina, pakakasalan siya!

-
Willing daw ang boyfriend ni Ina Raymundo na pakasalan ang actress ngayong two months preggy na siya (Ina). A certain Bryan ang ama ng dinadala ni Ina na isang Canadian businessman na naka-base sa bansa. Ito ang naging rason kung bakit wala si Ina sa presscon ng Kaaway Hanggang Hukay starring Phillip Salvador. Ayon sa isang source ng Baby Talk, alam ng lahat na darating si Ina sa nasabing presscon pero that night lang na-confirm na two months preggy na siya.

Bukod sa Kaaway Hanggang Hukay, naka-schedule sana siyang mag-promote ng album niya under Dyna Music. Danceable ang karamihan sa song na included sa album kaya hindi nila ngayon alam kung paano ipo-promote ni Ina ang nasabing album.

Matagal-tagal na ring ka-on ni Ina ang nasabing businessman matapos hindi masyadong mag-click ang follow-up movie niya sa Burlesk Queen Ngayon.

Anyway, mismong si Phillip ang nagsabi na grabe ang lovescene nila ni Ina sa Kaaway Hanggang Hukay. "Medyo grabe talaga," he says sa presscon ng nasabing pelikula last Wednesday night.

At kung very open si Phillip about their lovescene, iwas-to-death naman si Ipe na pag-usapan si Kris Aquino. Nang may magtanong kung anong reaction niya sa sinabi ng ex-live in partner niya sa ginawa niyang pagsuporta kay dating Pangulong Estrada, ayaw nang mag-comment ng actor. "Nasagot ko na ‘yan. Saka pakiusap po, ‘wag na natin siyang pag-usapan. Kawawa naman siya. Saka tapos na ‘yung issue na ‘yan, so tapusin na natin," pakiusap niya.

Well, gentleman enough pa rin si Phillip. Grabe ‘yung sinabi sa kanya ni Kris, pero kahit konting masamang salita, hindi siya nagsabi.

At ngayon ngang magsi-celebrate ng 30th birthday si Kris, simple lang ang wish ni Ipe for Kris, "more happiness at sana makita na niya ang tunay na magmamahal sa kanya."

Sinabi rin ni Ipe na loveless siya, as in wala siyang special someone ngayong Valentine. "Wala talaga. Masaya ako sa buhay ko kaya, kahit walang love, okey lang."

At any rate, ala-Face Off ang Kaaway Hanggang Hukay. Kuwento ito nina Phillip (Col. Soriano) at Edu Manzano (Col. Ricarte) na best friends during their PMA days. Pero naghiwalay ang landas nila nang ma-assign sila sa operation sa Mindanao. Soriano was assigned to the mountains samantalang si Ricarte ay na-AWOL.

Very timely ang kuwento ng pelikula may mga ganitong nangyayari sa magkaibigan na sa bandang huli ay sila ang nagkakalaban.

Kay Fernando Poe Jr. nanggaling ang title ng pelikula.
*****
Definite na raw na si Karen Davila ang papalit kay Kabayang Noli de Castro sa TV Patrol at hindi totoong si Korina Sanchez. Nauna na kasing napabalita na si Korina ang magti-take-over at pag hindi siya napili ay magri-resign siya sa ABS-CBN. Pero agad nag-deny si Korina Sanchez. Hindi raw siya magri-resign. Besides wala pa naman daw memo from the management na nagsasabing si Karen na nga ang papalit kay Noli na tatakbong senador.

Balitang kailangan ng male partner ni Karen. I think puwede si Marc Logan.

Agree ako sa observation ng marami na si Marc lang ang puwedeng tumapat kay Mike Enriquez ng GMA 7.
*****
Pinapa-recall ng isang grupo ng moralista ang appointment ng Mala-cañang kay Nick Tiongson bilang chairman ng Movie and Television Review and Classification Board. Nagpunta ng Malacañang ang nasabing grupo para personal na kausapin si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo tungkol sa kanilang apela.

Ang alam ko, majority sa showbiz ang nag-nominate kay Nick Tiongson para maging chairman ng MTRCB bilang kapalit ni Armida Siguion-Reyna. Maraming producer din ang favor sa appointment ni Tiongson. So ano kayang problema?

vuukle comment

INA

IPE

KAAWAY HANGGANG HUKAY

KORINA SANCHEZ

NICK TIONGSON

PHILLIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with