Ma-dramang Biyernes sa RPN 9
February 7, 2001 | 12:00am
May bagong susubaybayan ang buong pamilya sa RPN 9. Mapapanood tuwing Biyernes ang City of Angels, isang bagong medical drama mula kay Steven Bochco ang award-winning creator ng NYPD Blue, Murder One, Doogie Howser MD, LA Law at Hill Street Blues. Ito ay mapapanood simula alas-9 hanggang alas 10 ng gabi.
Umiikot ang istorya sa loob ng ospital na kung tawagin ay Angels of Mercy. Kahit na kulang sa pondo, kagamitan at tauhan ay nanatiling tapat ang mga doktor ng nasabing ospital sa kumunidad na tinutulungan nito.
Kabilang sa administrasyon ng ospital sina Ron Harris (Michael Warren), ang CEO at Dr. Ben Turner (Blair Underwood), ang magaling na chief of surgery, na determinadong magbigay tulong medikal sa mga nangangailangan kahit na sa gitna ng maraming pagkukulang sa loob ng ospital.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am