^

PSN Showbiz

Marami na namang natsi-tsismis na buntis

-
Usong-uso na muli ang mga pregnancy issues dahil bukod sa panganganak ni Carmina Villaroel, ginagawa ring malaking isyu ang pagbubuntis diumano ni LJ Moreno na hindi pa man masyadong sikat ay sangkot na sa preggy blues.

At si Angelu de Leon buntis na muli ayon sa haka-haka at nasa Amerika daw upang doon na manganak. Sabi rin na baka si Angelu ay nagne-negotiate ng isang project sa Hollywood at baka raw maging isa ring international celebrity ala Ruffa Gutierrez.

Buntis na rin si Sunshine Cruz at nalaglag naman daw ang ipinagbubuntis ni Rosanna Roces. Sa totoo lang ang pagbubuntis at panganganak ng isang bituin ay may senyales din ng kanyang pamamahinga na sa showbiz in some cases.

Tulad ng nangyari kina Gellie de Belen, Aiko Melendez, Maricel Morales. Nang nag-asawa si Dawn Zulueta ay tinalikuran na niya ang pelikula pero ngayon yata ay may balak bumalik.

Marami na ring mga stars tulad nina Donna Cruz, Sheryl Cruz, Aileen Damiles who all gave up their careers for motherhood. Kung hindi ka nga yata isang superstar na may sariling hukbo ng mga tagahanga at supporters tulad nina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino at Maricel Soriano, somehow mababawasan ang screen activity mo pag ikaw ay nag-asawa na at nagkapamilya.

Ang mga sikat na artista na nag-fade out sa eksena ng hindi oras ay sina Manilyn Reynes, Snooky Serna at Gretchen Barretto.
Bagong movie promo gimmick
Usong-usong promotional gimmick ngayon lalo na nga para sa Hollywood movies ang tinatawag na advance screenings, yung pagpapalabas ng mga bagong pelikula ng isa o dalawang araw bago ang regular run sa selected theaters. Inaasahan ng mga distributors, lalo pa nga at maganda ang pelikula na ang mga advanced screenings ay gagawa ng word of mouth publicity for the picture para lalong mananabik ang mga moviegoers sa mga nasabing pelikula. Kabilang sa mga pelikulang may advanced screenings ay ang Cast Away ni Tom Hanks na pambato sa susunod na Oscar Awards: American Psycho, isang movie tungkol sa isang serial killer na minsan napabalitang si Leonardo DiCaprio ang lalabas na bida ngunit si Christian Bale ang naging final choice; at Proof of Life nina Meg Ryan at Russell Crowe na in real life daw ay siya ngayong magkarelasyon. May ilang low budget films na award winning naman and starring relatively unknown players ang may advanced screenings din upang gumawa ng konting ingay at mag-create ng awareness sa general public. Tulad ng Chinese films na Not One Less o ng Iranian movie na Color of Paradise. These two films I have seen sa advanced screening nito sa Glorietta Ayala at ipagsasabi ko sa mga kaibigan ko na maganda namang talaga ang pelikula.

Unti-unti nang nabubuksan ang aking isipan sa mga pelikula ng ibang bansa dahil sa iba’t ibang film festival na idinaos dito. May Australian filmfest, Swiss filmfest, British filmfest, French filmfest. Karaniwan sa mga filmfest events na ito ay libre ang admission at bahagi na rin ng promotion ng bawat bansa upang mapansin ang kanilang film industry at mga pelikula.
Mahilig sa hula sina Kris at Jullie
Usong-uso rin ngayon ang mga psychics, geomancers, numerologists, astrologers – iba’t ibang tawag pero iisa ang propesyon – ang magbigay ng kanilang mga sari-sariling hula at predictions for the future.

May antas-antas din ang mga manghuhula. Mula sa paborito ninyong nagbabasa ng baraha sa Quiapo, sa mga kolumnista sa tabloid hanggang sa mga de kalidad umanong manghuhula na may puwesto sa mga five-star hotels at may opisina pa tulad ng mga doktor at abogado na by appointments only kung tumanggap ng kliyente.

Mayroon ding mga imported na feng shui experts na binabayaran umano ng daan-daang libong piso ng mga bigtime businessman at professional upang konsultahin tungkol sa posisyon ng kanilang home at office furniture para magkaroon ng magandang vibrations at nang magtagumpay ang kanilang buhay.

Ang mga true-blue believers at mga patrons ng fortune telling at esoteric divination ay sina Jullie Yap Daza at si Kris Aquino na laging may puwang ang iba’t ibang klaseng manghuhula sa kanilang TV shows. Kamakailan lang may napanood ako sa telebisyon na isang bagong dating na feng shui expert na nagsabing sa gitna ng mga problema ni Erap ay makakaahon ito sa krisis at matatapos nito ang kanyang term.

Of course, palpak ang hula dahil only a few days after he made the prediction or observation, umalis na si Erap sa Malacañang. Ngayon namang presidente na si Gloria Macapagal-Arroyo, may nagsasabing manghuhula o psychic na matitigbak din ang bagong presidente bago mag-2004. May nagsasabi namang she will finish her term. May hula rin na may miyembro ng Senado na mamamatay, maghihiwalay sina Jessica Rodriguez at David Bunevacz, at si Donna Cruz at ang asawa nito.

Ang mga psychics at manghuhula ay itinuturing ko bilang mga entertainers tulad din ng mga artista na nagbibigay-aliw. May mga taong bilib na bilib sa hula at hindi yata nakakakilos sa bawat araw hanggang hindi nababasa ang kanilang daily horoscope. Mayroon namang naniniwala lang sa magagandang hula sa kanila. Some years ago, may nanghula na isang sikat na personalidad raw sa telebisyon na nakatira sa Forbes Park ang papatayin ng isang taong kilala niya. Ang suot daw ng magiging biktima ay pink sa araw ng pagpaslang sa kanya. Ang akala ni Armida Siguion Reyna ay siya iyon kaya ipinamigay niyang lahat ng damit niyang kulay pink at umalis siya ng Pilipinas upang iwasan ang hula. Tumama ang trahedya kay Elvira Manahan na siyang napatay noon. Si Elvira ay taga-Forbes, naka-pink robe, isa siyang TV personality, at ang taong pumatay sa kanya ay kakilala niya.

AIKO MELENDEZ

AILEEN DAMILES

DONNA CRUZ

ISANG

USONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with