^

PSN Showbiz

Richard / Lucy, hiwalay na ?

-
May ugong na kumakalat na madalas daw ang pagtatalo ngayon ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres. Ayon na rin sa mga sitsit, may kinalaman ang lahat sa pulitika.

Sinabayan pa ito ng balitang magre-resign na raw si Lucy sa sitcom nila over ABS CBN, ang Richard Loves Lucy, na siya rin daw dahilan para mamaalam na rin sa ere ang nasabing programa.

Mukhang magkakatotoo nga raw ang hulang magkakahiwalay ang mag-asawa ngayong 2001.

"We’re okey. Lucy and I are very much okey," mabilis na reaction ni Richard sa isang ambush interview.

"Kung anuman ‘yung mga lumalabas, that’s part of showbiz. You know, para namang bago pa tayo nang bago, eh, ‘yon na ang sistema dito sa show business. Kung ‘di paghihiwalayin, pagbabatiin.

"What else is new, ‘di ba?

"Hindi rin ako naniniwala sa mga hula-hula. Kaya ‘yung mga ganyang bagay hindi na dapat pinagpapapansin pa. Kaya I don’t think I have to react on that," pagpapatuloy pa ng matangkad na aktor.

Samantala, ngayong napatalsik na sa puwesto ang dating Pangulong Joseph Estrada, kumalat naman ang balitang nag-back out na rin si Richard sa kanyang desire na tumakbo bilang vice mayor ng San Juan. At gaano nga ba ito katotoo?

"First, I would like to make it clear na from the very beginning, never akong nagsalita na tatakbo sa ganito or sa ganyan. Sila lang naman ‘yung nagsasabi na tatakbo ako bilang vice mayor at governor pa raw.

"Puro bali-balita lang at never akong nag-confirm. Kaya paano nila sasabihing nag-back out na ako?

"So, malabo ‘yon and I don’t think it’s fair. Mahilig kasi tayong pangunahan ang mga bagay-bagay. Though hindi rin naman ako nagsasalita nang patapos. Pero lahat pinag-aaralan at ‘di binibigla," nasabi lang niya.

Sa mga nagtatanong naman kung ano ang next movie ni Richard, malapit na siyang magsimula para sa pelikulang pagsasamahan nila ni Maricel Soriano. – Robert Perez

ARING

JOSEPH ESTRADA

KAYA

KAYA I

LUCY AND I

LUCY TORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with