^

PSN Showbiz

Assunta itatapat sa paghuhubad ni Rica

-
Tuloy na tuloy na nga ang paghuhubad ni Assunta de Rossi sa pelikula. Wala na raw makakaawat pa sa matangkad na young actress sa pagsakay na rin sa bold trend.

Truth is, nagsisimula na rin si Assunta sa kanyang first bold film, may working title na Dear Xerex. At ayon na rin sa kampo niya, tatlo pang naglalakihang sexy films ang nakatakda niyang simulan.

Pero ‘di naman agad nakaiwas sa intriga si Assunta. At ito ay ang pagsasabong sa kanila ngayon ni Rica Peralejo. Kung may Rica raw kasi ang Viva, si Assunta naman daw ang sagot ng Regal Films?

"Well, hindi nga siguro kami makakaiwas ni Rica na kami ‘yung pagtapatin. Kami kasi ‘yung mga bago na parehong nagsimula sa mga pa-sweet at pa-cute na roles," nangingising simula ni Assunta.

"Actually, marami na rin ang nagtatanong kung ano raw ba ang kaya kong gawin na hindi magagawa ni Rica. Kailangan daw kasi, eh, may gawin ako na ‘di makakayang gawin ni Rica.

Ang sa akin naman basta hindi ako mabababoy at mababastos, gagawin ko. ‘Yon ang paniniwala ko," pagpapatuloy pa niya.

Ayon na rin kay Assunta, hindi raw sila dapat pag-awayin ni Rica dahil kung tutuusin ay ito pa raw ang nagsilbing inspirasyon niya para sumakay na rin sa agos ng hubaran.

Samantala, hindi naman pabor si Assunta na ipaayos pa ang kanyang boobs dahil para sa kanya ay okey na ang sukat ng kanyang dibdib. Ang katanungan na lang ay ang pangarap niyang maging beauty queen kung paano pa niya ito maipagpapatuloy ngayong hubadera na rin siya. – Robert Perez

vuukle comment

ASSUNTA

DEAR XEREX

REGAL FILMS

RICA

RICA PERALEJO

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with