I-Witness, nanalo uli ng international award
January 28, 2001 | 12:00am
Ang show na tinaguriang "TVs Finest Hour," ang I-Witness, ay muling nagwagi ng Silver Medal sa New York Festivals kamakailan. Ang I-Witness documentary ni Luchi Cruz-Valdes na nagpakita sa kalagayan ng mga masahol pa sa iskuwater sa Metro Manila "Bubungang Pangarap" ay nagwagi ng Silver Medal sa "Television Documentary on Social and Current Issues" category. Maalalang nagwagi rin noong isang taon si Luchi ng Silver Medal para sa kauna-unahang niyang I-Witness, ang "Mental".
Samantala, ang "Katas ng Payatas" na I-Witness episode naman ni Jessica Soho ay ginawaran din ng "Finalist Status" sa nasabing katetorya. Finalist din sa "Promotional Spots" Category ang "We are Anime" omnimus promotional plug ng GMA Creative Services para sa husay nito sa editing. Ipinakita rito ang galing ng editor nitong si Ricky Paras sa pagtagpi-tagpi ng ibat ibang eksena mula sa ibat ibang anime program ng GMA kasama ang producer nitong si Genesis Nolasco at Erick Antonio na audio producer ng nasabing promo spot.
Ang Silver Medal ng I-Witness ay ang pinakabago sa napakahabang pila ng mga awards na napanalunan ng GMA, kabilang na ang Peabody Award--ang pinakamataas na award sa broadcast journalism.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended