^

PSN Showbiz

Buntis ba si Jessa?

-
Usap-usapan na sa apat na sulok ng showbis ang nalalapit na pagpapakasal ni Jessa Zaragoza kay Dingdong Avanzado. Pero kabuntot ng balitang ito, ang umano’y pagdadalantao na rin ni Ms. Zaragoza.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit biglaan ang announcement ng kasal ng dalawa ngayong March?

"Hindi ako buntis! That’s really not true!" pagtanggi naman agad ni Jessa sa isang interview.

"You know, last year ko pa sinasabi na napapag-usapan na rin namin ni Dingdong ang kasal. Sinabi ko na rin before na baka this year mangyari ’yon. Naging open na kami sa inyo about it at wala kaming itinago.

"Ngayon, kung sasabihin nilang pakakasal na kami dahil buntis ako, unfair ‘yon. Huwag naman akong igaya sa ibang babae na pakakasal lang dahil nabuntis or whatsoever." Pagdidiin pa ng singer-actress.

Ayaw namang magbigay ng iba pang detalye ni Jessa tungkol sa nalalapit na pag-iisang dibdib nila ni Dingdong.

"Actually, nagugulat na rin lang ako sa mga lumalabas na ngayong March na nga raw. Hindi ko naman dini-deny ‘yung kasal pero ayoko pa ring i-confirm," sabi pa niya.

Samantala, tuluyan na rin daw tinurn-down ni Jessa ang mga offer nang pagkandidato niya sa darating na halalan. Si Dingdong na lang daw ang susuportahan niya, and that, tama na raw siya sa background nito.

At sa kabila nito, nakiusap si Jessa na huwag lahatin ang mga artistang nasa pulitika na umano’y nasira na ang mga kredibilidad. — Robert Perez

DINGDONG AVANZADO

JESSA

JESSA ZARAGOZA

MS. ZARAGOZA

ROBERT PEREZ

SI DINGDONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with