^

PSN Showbiz

Allona, pangarap maka-one-night stand si Aga!

-
"Sana hindi ito masamain ni Charlene (Gonzales) pero, sana bago man lang sila ikasal ni Aga (Muhlach) ay maka-one night stand ko ang boyfriend niya," ang matapang na salita ng pangunahing bida ng Malikot Ang Agos ng Leo Films na si Allona Amor.

Si Allona ang bold star na hindi mahilig sa sex. "Sa boyfriend ko lang ito gagawin," aniya at hindi siya nahihiya na aminin na na-virginized siya nung edad 18. "Medyo late bloomer ako and after that parang naging frigid na ako pero, nagkaro’n na ako ng anim na boyfriends, dalawa lang sa kanila ang naging seryoso," patuloy niya.

Bagaman at isang bold star si Allona, sinabi niya na ayaw niya nang binabastos siya ng kanyang mga kapareha. "Ayaw ko nang sinasamantala ako. Kaya nga ayaw ko kay Fernando Montenegro. Hindi rin ako nagpa-plaster pero pinaglalagay ko nito ang mga kapareha ko para makaiwas sa mga hindi namin inaasahang mangyayari. So far, ang mga nakakasama ko naman ay mga gentlemen, except for Fernando," dagdag pa niya.

Pangarap din ba niyang makasama sa movie si Aga?

"Sino ba naman ang hindi naghahangad nito pero magkaiba ang klase ng ginagawa naming movies kaya nga hanggang sa paghanga na lang ako sa kanya. Okay na sa akin ito," pagtatapos niya.
*****
May nagtanong sa akin kung nag-aral daw ba ng Hawaiian dance si Tootsie Guevarra dahil sa launching ng kanyang second album na pinamagatang "Sa Puso Ko" sa OTWO Bistro Bar sa MH del Pilar na isa raw si Bojo Molina sa mga nagmemeari ay parang nagsasayaw siya habang kumakanta. May ugali kasi si Tootsie na kapag kumakanta ay gumagalaw ang mga kamay niya na animo ay nag-huhula-hula siya. Ginagawa niya ito habang kumakanta na naging trademark na niya simula pa sa una niyang album na "Kaba" hanggang ngayon.

Si Tootsie ay isa rin sa produkto ng That’s Entertainment na gumagawa ng malaking pangalan sa larangan ng pagkanta.

Bagaman at palayaw lamang niya ang Tootsie na pinaghalong pangalan ng kanyang mga magulang (Totoy at Tessie), hindi na niya ipinagpatuloy at balak niyang pagpapalit ng pangalan nung una sapagkat akala niya ay hindi babagay ang Tootsie sa bago niyang image na "mature and sexy singer." Pero, tinanggap din nila ito na gaya nang pinatutunayan niya nang mag-hit ang kanyang mga records.

Ang iba pang cuts sa "Dito Sa Puso Ko" ay "You’ll Always Be My Number One", "Ba’t Di Mo Sabihin", "More Than Love", "Nang Dahil Sa Pag-ibig" at marami pa.
*****
Halos umagaw ng eksena si Navotas Mayor Toby Tiangco sa mga magagandang kadalagahan ng kanyang lugar na nag-laban-laban sa grand finals ng Miss Navotas 2001 nung Martes ng gabi, Enero 16. Parang artista ang mabait na mayor na mahigit isang taon pa lamang nanunungkulan sa kanyang gulang na 33 at guwapo kung kaya openly kung hangaan siya ng kanyang mga nasasakupan at nagagawang biruin ng kanyang mga kababayan.

Hindi lamang naman ang good looks ng mayor ang hinahangaan ng lahat niyang kababayan kundi maging ang kanyang kasipagan at tiyaga sa pag-iisip ng paraan para mapaganda ang buhay ng mga taga-Navotas, lalo na ang mga maliliit.

ALLONA AMOR

ALWAYS BE MY NUMBER ONE

KANYANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with