Japanese-Filipino film production, itinatag!
January 24, 2001 | 12:00am
Isang grupo ng mga movie producer na Hapon ang dumating dito sa Maynila para sa pakikipag-negotiate sa isa ring bagong tatag na grupo ng filmmakers para sa isang production of motion pictures top billing Japanese and Filipino actors.
Ang naturang grupo ay kinabibilangan ng executive producer na si Yoshiyuki Ohira at producer Youchi Akasaka ng Forward Group, isa sa pinakamalaking movie outfit sa Japan at Hirokuni Nitta, pangulo ng Forward Artists, isa sa mga production companys subsidiaries.
Si Ohira ay walang iba kundi si Jacky Woo, isa sa mga pinaka-popular na action stars na kilala sa tawag na "Dancing Aikido Master."
Ang mga Japanese movie producer ay nakatakdang makipagsara ng usapan with True Colors Film Production Inc., isang bagong tatag na film production na binubuo ng mga veteran filmmakers at production men.
Ang unang venture ng grupo ay may pamagat na Total Aikido na pangungunahan ni Jacky Woo, kasama ang mga piling local stars tulad nina John Regala at Aya Medel. Ang pelikula ay kuha rin ng mga martial artists mula sa United States, Japan at Australia.
Magsisimula ang shooting sa Marso hanggang Disyembre ng bagong taong 2001. Kasama rin dito ang mga character actors at mga stuntment na lalagda sa kontrata. Rl Morota

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended