Jazz, binuhay ni Merk
January 21, 2001 | 12:00am
Noon kapag sinabing jazz music, ang naiisip ay musikang nakakaantok. Hindi na ngayon. Ang jazz ay nag-iiba-iba rin ng anyo at timpla. Ito ngayon ang inaalay ng bagong album ng tinaguriang "Prinsipe ng Jazz" na si Richard Merk. Matagal na ring kuma-kanta si Richard pero ngayon lang siya nag-karoon ng masasabing album.
Ang mga awitin dito ay pawang mga revivals, mga kilala at kinagigiliwang kanta na ginawan ng bago dahil binigyan ng bagong areglo.
Isang rebelasyon ang bersyon niya ng "Hello" ni Lionel Richie. Ang dating malungkot na kanta ay isa nang nakaiindayog na salsa. Kung tutuusin ay para na itong bagong kanta sa kamay ni Richard. Maski ang "Every Breath You Take" ng The Police ay magaan na sa pandinig. May kakaiba na siyang hiwaga at hatak.
Nandirito rin sa album ang mga paboritong awitin ni Richard sa kanyang mga pag-tatanghal. Ang mga makabuhay-dugong bersyon niya ng "My Cherie Amour" ni Stevie Wonder, "Get Back" ng The Beatles at "Fallin" ni Terry deSario ay mahirap tanggihan. Naroroon ang imbitasyon sa pagsasayaw kaya walang dahilan para tumanggi. Kasama rin dito ang popular na kantang sinulat ng nasirang Gerry Paraiso, "You". Tiyak na maiibigan ito ng mga tagahanga ng orihinal na bersyon ni Basil Valdez.
Sa kabuuan, kagigiliwan ang album na ito. Lahat ng tagapakinig ay siguradong bibilib sa galing ni Richard bilang mang-aawit at mapapakanta sa tuwa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 2, 2024 - 12:00am