Fredric, may concert sa London
January 20, 2001 | 12:00am
Nagsisimula pa lang lumikha ng ingay ang pangalang Fredric Herrera sa local music industry, heto at in demand na in demand na siya sa kabi-kabilang invitations para sa iba’t ibang live performances mula Luzon, Visayas at Mindanao. Katunayan, hindi halos siya magkandaugaga sa araw-araw na mall shows courtesy of Ivory Records sa iba’t ibang malls sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsya.
Last week ay nasa Quezon Province si Fredric, partikular sa Lucena, Gumaca at Lopez kaugnay sa inihandang shows ni Andrew Gutierrez. Ngayong Linggo, Enero 21, si Fredric ay masisilayan sa SM Cebu kaugnay sa Sinulog Festival.
Pagkatapos ng mga susunod pang mall shows, pinaghahandaan na ni Fredric ang nalalapit niyang Valentine concert entitled "An Evening of Romantic Songs with Fredric Herrera" na gaganapin sa Porchester Hall, Queens Way, London, W2 5HF, sa Pebrero 11, alas-7 nang gabi.
Isasabay din sa naturang concert ang international launching ng kanyang self-titled album na prinodyus ng Golden Fox Productions at release ng Ivory Records sa Pilipinas kung saan ang carrier song na "Ako Na Lang Ang Lalayo" ay isa na ngayon sa paboritong patugtugin at nire-request ng listeners sa ilang AM at FM stations sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Bukod sa launching, ka-twinbill din ng concert ang isang fashion show (A showcase of Escolta Fashion Collections) na magtatampok sa mga makabagong usong damit na likha ng mga kilalang Filipino fashion designers na naka-base sa London.
Ang naturang concert ay prodyus ng Escolta (with Hirma Torres na nagbalikbayan upang saksihan ang album launch ni Fredric sa Annabel’s kamakailan).
Samantala, hindi pa man nagaganap ang London concert, may panibagong imbitasyon na kay Fredric na mag-concert naman sa Italy sa darating na Hulyo. Pero bago iyon, isa pang concert ni Fredric ang gaganapin sa London sa Hunyo.
Kung interesado kayong manood, especially ‘yung mga kababayan nating nasa London, maaari kayong mag-inquire sa Escolta Ltd., MacMillan House, 96 Kensington High Street, London W8 4SG o kaya’y tumawag sa tel. #(020) 7376-0200. Fax: (020) 7376-0212. Email: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended