^

PSN Showbiz

Nagsimula sa band contest

-
Nagsimula ang kanilang makulay na singing career sa pamamagitan ng pagsali sa battle of the bands sa kanilang lugar sa Parañaque at mula noo’y umusbong ang kanilang career. Ang tanyag na bandang Siakol na lalong kilala sa mga awiting "Lakas Tama," "Bakit Ba?", "Peksman" at "Hindi Mo Ba Alam?" ay muli na namang aarangkada sa local music scene sa paglabas ng kanilang pinaka-latest na album na may pamagat na "Sa Pag-ikot ng Mundo" under Harmony Music, ang bagong tatag na OPM division ng Alpha Records.

Ang nasabing album na ni-launch noong Jan. 14 sa ASAP, ay naglalaman ng 14 tracks with "Sa Pag-ikot ng Mundo" bilang carrier single. Ang awiting ito ay isang reelin-and-rockin" Pinoy rock song na nagpapatungkol sa patuloy na pag-ikot ng mundo sa kabila ng mga problemang kinakaharap natin.

Ang Siakol ay binubuo ng apat na mga talented guys na sina Noel Palomo (lead singer at chief songwriter), Wowie Flores (bassist), Miniong Cervantes (lead guitar) at Oyie Bunao (drums).

Ang iba pang magagandang awitin na nasa album ay "Habang Ang Lahat," "Yakap," "Wag Mong Isipin Yon," "Sige Na Tuloy Pa," "Balang Araw," "Magsaya," "Wala," "Ayoko Na Sa Yo," "Gagawin Ko Lang Baclaran," "Larawan," "Don Juan," "Panaginip" at "Dyan Sa Buhay Mo."

Ang album ng Siakol ay mabibili na sa high grade cassette at CD sa lahat ng Alpha outlets sa buong bansa.

vuukle comment

ALPHA RECORDS

AYOKO NA SA YO

BAKIT BA

BALANG ARAW

DON JUAN

DYAN SA BUHAY MO

GAGAWIN KO LANG BACLARAN

SA PAG

SIAKOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with