Priscilla-Yul movie, tuloy na
January 15, 2001 | 12:00am
Pagkatapos ng sampung araw na pagbabakasyon sa Las Vegas ni Priscilla Almeda ay tumuloy itong New York dahil natuloy din sa wakas ang syuting ng Batang Westside na launching movie ni Yul Servo. Sampung araw din ang itatagal doon ng seksing aktres at may dalawa pang araw para sa taping ng telemovie sa direksyon ni Elwood Perez.
Kailangang umuwi na rin si Priscilla dahil magiging abala siya sa promosyon ng Syota ng Bayan kung saan palabas na ito sa katapusan ng Enero. Ngayon pa lang ay excited na ang aktres na maipalabas ang said movie dahil ito bale ang follow-up movie niya after the controversial Sutla.
Maganda ang tema ng pelikula tungkol sa eleksyon na kapupulutan ng aral kaya kahit maraming maiinit na eksena ay matindi naman ang proyekto na tinatampukan din nina Eddie Garcia at Tonton Gutierrez.
Bukod sa pelikula ay in-demand din ngayon sa telebisyon ang aktres at mga out-of-town shows. Professional kasi ang aktres at ayaw niyang male-late sa mga commitment kaya paborito siyang imbitahin ng mga promoter ng show.
Ngayong kumita ang launching movie ni Mylene Dizon ay may ilang offer siyang natatanggap outside Crown Seven Ventures. Puwede naman siyang gumawa ng movie sa ibang kompanya kaya lang may ilang kondisyones ito. Nais niyang maging matindi ang proyekto gaya ng Gatas at kailangang lead role ang naibigay sa kanya. Ayon pa sa aktres kailangan silang makiayon sa ginagawa ng Crown Seven kung saan pinangangalagaan nila ang career ni Mylene.
Kailanman ay hindi naging sagabal ang nobyo niyang si Ira Cruz dahil supportive ito sa career ni Mylene.
Si Aiza Seguerra ang inindorso ng aming Soroptimist International (Dasmariñas-Salcedo Chapter) para tumanggap ng Violet Richardson Award para sa mga kabataang mahilig tumulong sa mga kapuspalad. Bata pa ay may ilang organisasyon na siyang sinusuportahan hanggang sa kasalukuyan gaya ng Sisters of Charity sa may Tayuman. Inindorso rin ng aming samahan ang young actress-singer dahil wala siyang bisyo, hindi palabarkada at isang mabuting anak. Mula pa sa pagkabata ay may puso siya para sa kawanggawa kaya pangarap ding makapagpatayo ng kanlungan para sa mga babaeng na-rape. Gaya ng The Haven ay pangarap ni Aiza na kumuha ng therapist o psychologist na tutulong sa mga biktima para magkaroon ng positibong pananaw sa buhay.
Nagko-concentrate ngayon sa singing career si Aiza kung saan tinatapos na niya ang kanyang album under Vicor Records na ilalabas na sa market next month. Kabilang din sa mga awitin ang isang sariling komposisyon na ginawa niya para sa kanyang magulang na pinamagatang "Sorry". Kabilang pa rin dito ang kanilang duweto ni Vic Sotto. Kapag hindi abala sa mga commitment ay nasa bahay lang siya at nag-aaral ng leksyon kung saan nasa unang taon siya ng kolehiyo sa Conservatory of Music sa UST major in Guitar.
Matagal-tagal din bago nasundan ang huling pelikula ng magaling na aktor na si Roi Vinzon. Nagbabalik-showbis ito via Hindi Sisiw ang Kalaban Mo kasama sina Ronald Gan at Zoren Legaspi.
Siya bale ang kontrabida ni Ronald na nang-hostage ng mga tao at promotor sa masasamang gawain ng lipunan. Kilala na sa pagiging magaling na aktor si Roi kaya hindi lang siya maaasahan sa confrontation scenes nila ni Ronald kundi gayundin sa mga mapanganib na stunts. May eksena dito na manu-mano ang magiging labanan nina Roi, Ronald at Zoren.
Maraming makaka-relate sa movie lalo na yong inaakala nilang sisiw pagdating sa labanan pero tunay na panalo dahil nagagapi ang mga malalakas na kalaban. Ayon kay Roi, naiiba ang pelikulang ito dahil bukod sa maganda ang istorya at maaaksyong eksena ay may puso rin ang pelikula. Palabas na ang Hindi Sisiw ang Kalaban Mo sa Enero 31 mula sa MMG Films International sa direksyon ni JR Ledesma.
Naisyete ng aking source kung bakit galit-bati ang drama ng sikat na young actor na ito at non-showbiz girlfriend na nabibilang sa mayamang angkan. Ilang beses na nag-split ang dalawa pero nagkakabalikan din.
Sa huling pagbabalikan ng dalawa ay naubos na ang pasensya ng nobya dahil hindi pa rin tumitigil sa pagiging babaero ang aktor. Ayon pa sa aking source ay nabuking kasi ng non-showbiz girlfriend na nagdadala pala ng babae sa kanyang condo ang aktor kaya hiniwalayan na rin nito nang tuluyan ang nobyo.
Ang young actor ay matagal-tagal na rin sa showbis pero hindi pa nabibigyan ng pelikulang siya ang bida. Mas madalas pa ang paglabas nito sa telebisyon gayundin sa pagiging commercial model.
Kailangang umuwi na rin si Priscilla dahil magiging abala siya sa promosyon ng Syota ng Bayan kung saan palabas na ito sa katapusan ng Enero. Ngayon pa lang ay excited na ang aktres na maipalabas ang said movie dahil ito bale ang follow-up movie niya after the controversial Sutla.
Maganda ang tema ng pelikula tungkol sa eleksyon na kapupulutan ng aral kaya kahit maraming maiinit na eksena ay matindi naman ang proyekto na tinatampukan din nina Eddie Garcia at Tonton Gutierrez.
Bukod sa pelikula ay in-demand din ngayon sa telebisyon ang aktres at mga out-of-town shows. Professional kasi ang aktres at ayaw niyang male-late sa mga commitment kaya paborito siyang imbitahin ng mga promoter ng show.
Kailanman ay hindi naging sagabal ang nobyo niyang si Ira Cruz dahil supportive ito sa career ni Mylene.
Nagko-concentrate ngayon sa singing career si Aiza kung saan tinatapos na niya ang kanyang album under Vicor Records na ilalabas na sa market next month. Kabilang din sa mga awitin ang isang sariling komposisyon na ginawa niya para sa kanyang magulang na pinamagatang "Sorry". Kabilang pa rin dito ang kanilang duweto ni Vic Sotto. Kapag hindi abala sa mga commitment ay nasa bahay lang siya at nag-aaral ng leksyon kung saan nasa unang taon siya ng kolehiyo sa Conservatory of Music sa UST major in Guitar.
Siya bale ang kontrabida ni Ronald na nang-hostage ng mga tao at promotor sa masasamang gawain ng lipunan. Kilala na sa pagiging magaling na aktor si Roi kaya hindi lang siya maaasahan sa confrontation scenes nila ni Ronald kundi gayundin sa mga mapanganib na stunts. May eksena dito na manu-mano ang magiging labanan nina Roi, Ronald at Zoren.
Maraming makaka-relate sa movie lalo na yong inaakala nilang sisiw pagdating sa labanan pero tunay na panalo dahil nagagapi ang mga malalakas na kalaban. Ayon kay Roi, naiiba ang pelikulang ito dahil bukod sa maganda ang istorya at maaaksyong eksena ay may puso rin ang pelikula. Palabas na ang Hindi Sisiw ang Kalaban Mo sa Enero 31 mula sa MMG Films International sa direksyon ni JR Ledesma.
Sa huling pagbabalikan ng dalawa ay naubos na ang pasensya ng nobya dahil hindi pa rin tumitigil sa pagiging babaero ang aktor. Ayon pa sa aking source ay nabuking kasi ng non-showbiz girlfriend na nagdadala pala ng babae sa kanyang condo ang aktor kaya hiniwalayan na rin nito nang tuluyan ang nobyo.
Ang young actor ay matagal-tagal na rin sa showbis pero hindi pa nabibigyan ng pelikulang siya ang bida. Mas madalas pa ang paglabas nito sa telebisyon gayundin sa pagiging commercial model.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended