^

PSN Showbiz

World War II sa ‘Click’

-
Nag-caroling, simbang gabi, at noche buena – mega-bonding talaga ang Click barkada noong Pasko. Pero matapos lahat ng kasiyahan, malagim na bangungot pala ang bubulaga sa tropa ngayong Sabado– isang sigalot na mas matindi pa sa World War II.

Dumating si Rosario (Maybelline Dela Cruz) mula sa Davao at ang masakit na katotohanan ang sumalubong sa kanya– nain-lab ang boyfriend niya sa kanyang bestfriend, si Melai (Trina Zuñiga). Sa sobrang galit, nangako siya sa sariling puputulin ang lahat ng kaugnayan sa barkada.

Dito eeksena ang mortal na kaaway ng barkada, si Kara (Danica Sotto), na bubuyo sa kanyang maghiganti. Unang target ay si Melai na palalabasin nilang nangongopya sa exam.

Ang dating kaibigan ay kontrabida na ngayon. Ito na ba ang katapusan ng magandang samahan ng tropa? Aalamin ang sagot sa Click ngayong Sabado, 4:00 pm sa GMA.

vuukle comment

AALAMIN

DANICA SOTTO

MAYBELLINE DELA CRUZ

MELAI

SABADO

TRINA ZU

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with