^

PSN Showbiz

Si Will Smith si Bagger Vance

-
Ang sikat na aktor na si Will Smith ay tinanggap ang isang simpling role ng isang misteryosong lalaki na nagbibigay ng magagandang payo at pumayag na maging alalay ng isang dating golfer na ginagampanan ni Matt Damon para maibalik dito ang nawala niyang paniniwala sa kanyang sarili at sa kanyang galing sa larong golf. Sa kanyang mga nakalipas na pelikula, hindi napasabak sa aksyon si Will o naatasang muling ipamalas ang kanyang pagiging isang mahusay na hip hop artist. Wala ring makikitang special effects ang kanyang pelikulang The Legend of Bagger Vance.

Ang direktor at aktor na si Robert Redford ang naka-kumbinse kay Smith na gawin ang role. Habang ginagawa niya ang pelikula, nakita niya na magiging kakaiba ito sa lahat ng ginawa niya.

Para sa kanyang role, hindi na kinailangan ni Smith na magpaturo ng golf. Di tulad ng co-star niyang si Damon, mahusay siya sa larong ito.

Bago siya naging isang malaking artista, isa nang Grammy-winning recording artist si Smith. Teenager pa lamang siya ay isa na siyang chart-topping rap artist bilang ka-teammate ni DJ Jazzy Jeff. Nasundan ito ng palabas sa TV na The Fresh Prince of Bel Air na tumakbo ng anim na taon. Sa pelikula nakita siya sa Enemy of the State, Wild Wild West, Six Degrees of Separation at ang mga malalaking blockbuster na Independence Day at Men In Black.

Ang The Legend of Bagger Vance ay base sa isang popular na nobela na nagtatampok din kina Charlize Theron, Bruce McGills, Joel Gretsch, Lane Smith, Harve Presnell at ipinakikilala si J. Michael Moncrief.

vuukle comment

CHARLIZE THERON

ENEMY OF THE STATE

FRESH PRINCE OF BEL AIR

INDEPENDENCE DAY

JAZZY JEFF

JOEL GRETSCH

LANE SMITH

LEGEND OF BAGGER VANCE

MATT DAMON

MEN IN BLACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with