^

PSN Showbiz

Balik sa comedy shows

-
Matapos ang maghapong pagsubaybay sa mga huling kaganapan sa Senado ukol sa impeachment case laban kay Presidente Estrada ay nararapat naman siguro bilang manonood na ibaling natin ang ating atensiyon sa mga programang makapagpapasaya sa atin, hindi lang yaong mga programang hitik sa seryosong diskusyon at palitan ng opinyon tungkol sa ‘trial of the century’.

Hindi mawawala sa listahan ng paboritong panoorin ng mga Pinoy siyempre ang mga comedy shows, mga programang may pa-kontes at kantahan, gayundin ang mga shows na kinabibilangan ng maraming celebrity.

Katulad na lamang ng Sing-Galing, Wow Mali, Ispup at Eezy Dancing Party Time ng ABC 5. Sa Sing-Galing, puwedeng maki-jamming ang mga manonood sa contestants nito. Sa Wow Mali! naman, aba eh kakaiba ang komedya dahil ang mga bida dito ay dehins kilala at kung minsan pa ay walang muwang na sila’y nasa kamera!

Very unscripted daw nga ang reaction na nakukuha sa mga na-Wow Mali, at take note, walang take two, huh? Kung hanap ninyo nama’y komedyang nilahukan ng isyung pulitika ay swak na swak ang Ispup para sa inyo kung saan pinagsama-sama ang pinaka-matitinik na komedyante sa pelikula at telebisyon upang gayahin ang iba’t ibang personalidad na nasa hot seat ng mga balita.

Pero kung party galore ang inyong hanap at mas feel ninyong sumayaw kaysa kumanta, then huwag palampasin ang Eezy Dancing Party Time, where the most beautiful and sexiest stars and dancers are on weekends. Ang Ispup ay mapapanood tuwing Sabado, alas-otso ng gabi na sinusundan naman ng Eezy Dancing Party Time pagsapit ng alas-nuebe. Samantala, ang Sing-Galing ay humahataw tuwing Linggo, 7 n.g. at ang Wow Mali ay mapapanood pagkatapos nito, pagsapit ng alas-otso.

vuukle comment

EEZY DANCING PARTY TIME

ISPUP

KATULAD

SING-GALING

WOW MALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with