Balik-pelikula si Wowie
January 7, 2001 | 12:00am
Balik-pelikula si Wowie de Guzman sa pelikula ng FLT Films na Tabi-Tabi Po na sana ay for the Metro Manila Film Festival pero minalas at hindi napili. Papel ng isang reporter ang ginagampanan niya sa Vampira 2000 episode ng Tabi-Tabi Po.
Si Wowie ang mag-iimbestiga sa lihim ng isang magandang babaeng bampira played by Bernadette Allyson. Mai-in-love siya rito ngunit matutuklasan niya ang isang kahindik-hindik na pagta-transform ng magandang dalaga mula sa pagiging tao bilang isang halimaw.
Kasama ring bida sa pelikula sina Stefano Morri, Izza Ignacio, Jefferson Long, Michael Roy at marami pang iba. Si Joe Carreon ang direktor ng Vampira 2000.
Samantala, takot na takot naman si Berna nang pahigain siya sa kabaong pero, wala siyang choice kundi ang sumunod sa direktor. Kailangan ang eksena sa pelikula dahil gumaganap siya ng role ng isang bampira na sa gabi lamang bumabangon para maghasik ng lagim sa mga tao. Inisip na lamang niya na hindi ito kabaong kundi isang karaniwang higaan para hindi siya matakot kaya natapos niya ang kanyang mga eksena nang walang naging problema.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended