^

PSN Showbiz

Tinanggihan ng Viva ang komposisyon ni April Boy Regino para kay Sharon

-
Ang paglabas ni April Boy Regino sa pelikula, gaya nitong second movie niya na ginawa ng isang bagong tatag na movie outfit na pinamagatang Super Idol, ay kaganapan ng isang pangarap na binuo niya maraming taon na ang nakakaraan, nung siya ay bata pa lamang, na susundan niya ang yapak ng kanyang iniidolong si Sharon Cuneta.

Makikilala rin siya sa larangan ng pagkanta, makapaglalabas ng album, makakagawa ng maraming hits, konsyerto at komersyal at, ang pinakahuli, makakalabas sa pelikula. Katulad ni Megastar, ang lahat ng ito ay natupad ni April Boy Regino. Bilang pagkilala ng utang na loob at bilang pasasalamat para sa ibinigay ni Sharon na inspirasyon sa kanya, iginawa niya ito ng isang kanta pero, hindi ito tinanggap ng Viva. Para hindi ito masayang ay nagdesisyon ang kanyang mga magulang na sila na lamang ang mag-produce ng awitin on record na naging isang malaking hit, ang "Sana’y Laging Kapiling."

"Alam ito ni Sharon, sinabi ko sa kanya. Wala naman akong nararamdamang regrets na hindi niya nai-record ang aking composition. Sapat nang nalalapitan ko na siya ngayon at dalawang beses ay naka-duet ko pa sa birthday presentation ng kanyang TV show. Talagang wala akong mapagsidlan ng aking kaligayahan. Biruin mo, Megastar maka-duet ko at kanta ko pa ang kinakanta namin ("Di Ko Kayang Tanggapin")," aniya.

Grateful din si April Boy Regino na nagbunga ang kanyang pagtitiyaga. May mga investments na rin siya gaya ng kanyang bahay na tinitirhan ngayon na isang three-storey, five-room building, isang entertainment center/restaurant, ilang mga lote, 3 sasakyan na ang isa ay Mark lll. "Mga royalty lang ang bumubuhay sa akin. Nakagawa na ako ng 7 hit albums sa pitong taon ko na kumakanta. Malaki rin ang naging ambag sa aking kabuhayan ng walong taon kong pagta-trabaho sa Japan," dagdag pa niya.

Para sa isang dati ay nagtitinda lamang ng kakanin sa riles ng tren, napakalayo na ng nararating ng isa sa tatlong magkakapatid na April Boys na umiidolo kay Sharon Cuneta.
*****
Kahit tapos na ang Pasko, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao sa mga shopping malls, if only to spend their Christmas earnings at para na rin makapag-relax, makapag-palamig at matikman yung mga pagkain na inihahain sa mga fast food outlets. Ang katakawan ng mga Pilipino ang dahilan kung bakit sa kabila ng sinasabing pagbagsak ng ating ekonomiya at paglala ng crime rate ay hindi mapigil sa paglabas ng kanilang bahay ang mga tao at pagkain sa labas. Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy at patuloy ang pagdaragdag ng mga bahay kainan sa mga shopping malls.

Sa Harrison Plaza, isa na namang branch ng McDonald’s ang binuksan kamakailan na ang prankisa ay nasa operasyon ng McArt Food Services na pinamamahalaan ni Belen Lovina Ticzon-Martel. Matatagpuan ito sa groundfloor ng HP sa M. Adriatico entrance.

Naging panauhin sa pagbubukas nito ang Vice Mayor ng Maynila na sina Danny & Melanie Lacuna. Sila ang nag-cut ng ribbon kasama ang US Embassy’s Don Sanders. Si Fr. Sanny de Claro ng Our Lady of Assumption-Malate at spiritual adviser ng chapel na matatagpuan sa ikalawang palapag ng HP ang nag-officiate sa blessing ng McDo-HP.

APRIL BOY REGINO

APRIL BOYS

BELEN LOVINA TICZON-MARTEL

DI KO KAYANG TANGGAPIN

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with