Comedy time sa 'Kakabakaba'
January 5, 2001 | 12:00am
Maganda para sa isang gabi ang kababalaghan at katatawanan ngayong Sabado sa Kakabakaba dahil magsasama ang tatlong may katok sa ulo sina Vandolph, Dennis Padilla at Wowie de Guzman sa kakaibang episode kung saan pinaghalo ang horror at komedya, "Bulag, Pipi at Bingi".
Isang matandang babae (Nida Blanca) ang tinulungan ng tatlong lalaking may kapansanan pa isang bulag, isang bingi at isang pipi. Bilang pagtanaw ng utang na loob, ipinasyang i-donate ng matanda sa tatlo ang vital organs ng anak niyang kamamatay lang para silay makakita, makarinig at makapagsalita.
Huli na nang malaman nilang ang mga donated parts ay "possessed" pala dahil sa misteryosong pagkamatay ng babae. Ngayon, nakikita ng bulag kung paano pinatay ang dalaga, naririnig naman ng bingi ang pag-uusap ng mga killer niya at ang pipi ay ginawang medium at naging spokesman ng patay.
Malulutas ba ng tatlo ang misteryo sa pagkamatay niya o nanaisin na lang nilang manatiling bulag, pipi at bingi habambuhay? Abangan ang sagot ngayong Sabado sa Kakabakaba, 7:00 p.m. sa GMA.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended