^

PSN Showbiz

Spiel lang sa TV, inabot ng isang araw para makabisa ng aktor na gustong mag-pulitiko

-
Kuwento ito ng isang talent coordinator sa TV na nagtataka kung bakit gusto pa raw pumasok ng pulitika ng isang aktor gayong napakahina raw naman ng ulo nito. Yung spiel lamang na ginagamit niya sa TV, para sa isang malaganap na palabas na siya ang bida ay inaabot daw ng isang araw para matapos niya at makabisa. Popularidad lamang daw ang puhunan ng aktor sa kanyang gagawing pagpasok sa pulitika.
* * *
Nakabuti na rin siguro kay Mylene Dizon yung hindi pagkakasama ng movie niyang Gatas: Sa Dibdib ng Kaaway sa nakaraang MMFF 2000 sapagkat mas makakakuha pa ng atensyon ito ngayon sa mga manonood at mas malaki ang magiging tsansa niya sa takilya.

It would not have been fair for the parents to leave their children in the house last Christmas sapagkat hindi para sa kanila ang Gatas, eh Pasko pa naman.

With Tanging Yaman being able to admit even the children and lording it over at the tills, tama lamang na ngayon ipalabas ang Gatas.

Solo pa ni Mylene ang promo dahil ang mga kalaban niyang pelikula ay may ibang kategorya at hindi niya kasing-kontrobersyal.

It took Mylene only five minutes to accept Gatas na mayro’ng bold scenes, including nudity and savage marital rape (with Jomari Yllana) and erotic romance (with Kenji Motoki) plus a controversial breastfeeding sequence with Jomari.

"Maganda ang istorya at justified naman ang mga bold scenes. I threw inhibitions to the wind and did what I had to do," ani Mylene.

Nang makita niya ang pelikula, nagpasalamat si Mylene na ginawa niya ang pelikula, kahit pa marami sa mga kaibigan niya’t kamag-anak ang hindi kumporme sa ginawa niya.

She merited raves for her acting.

Napansin ang mga bold scenes pero, wala ni isa man ang nagsabi na nasagwaan sila sa mga ito.

Isinilang ang isang bagong aktres, ang kauna-unahan sa 2001.
* * *
Napaka-swerte naman ni April Boy Regino. Nagawa niyang mahalikan sa labi si Carmina Villaroel sa pelikulang Super Idol, first venture ng katatatag na Bariso Films at nakatakdang mapanood sa Enero 17.

Hindi siya nahiyang aminin na hindi siya marunong makipag-kissing scene sa screen kaya inabot ito ng take three bago nila na-perfect.

"Ni wala kaming preparasyon. Katatapos lamang naming kumain ng sampalok kaya lasang-lasa ko pa ito sa labi ni Carmina during the take," ani April Boy Regino.

Isang action fantasy ang Super Idol, na kung saan ay gumaganap siya ng role ng isang super hero na binigyan ng kapangyarihan ni Pandoy na ginagampanan ni Joey de Leon na mayro’ng ispesyal na role sa pelikula. Tampok pa rin sa pelikula sina Manilyn Reynes, Aljon Jimenez, Precious Valencia, Gabriel Romulo, Mikey Arroyo at Tia Pusit.

May solid story ang Super Idol, may elements of fantasy, comedy, at kaunting horror at action. Mayro’n din itong isang MTV-like sequence na nagtatampok sa awiting "Super Idol" na isang big hit ni April Boy Regino.

ALJON JIMENEZ

APRIL BOY REGINO

ISANG

MYLENE

NIYA

SUPER IDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with