^

PSN Showbiz

Hindi laruan si Yamani

-
Tagumpay ang inaani ngayon ni Yamani sa kanyang hit single, "Hindi Ako Laruan", na nakapaloob sa kanyang self-titled album. "I have been singing professionally for the past six years at syempre, natutuwa ako at kahit paano, successful ang una kong album," sabi niya sa Shakey’s Cubao noong isang linggo.

Michelle Tan
ang tunay niyang pangalan at bininyagan siyang "Yamani" ni Wilma Galvante ng GMA nang madiskubre siya nito. "Marami na raw kasing Michelle sa showbis kaya ginawa niyang "Yamani" ang pangalan ko, exotic daw kasi ang beauty ko, isa pa, ako ang yaman ng Mommy ko, bunso kasi ako sa limang magkakapatid."

Sagittarian si Yamani, born November 24, twenty-three years ago, at ano naman ang kanyang outstanding qualities sa ilalim ng kanyang zodiac sign? "Hindi ako puwedeng hawakan sa leeg, mahilig akong mag-travel. I’ve been to Tokyo, Yokohama, Shanghai. Nagpunta ako doon para lumabas sa TV, NHK, may programa sila doon, Asia Live. I was already using Yamani then, 1995 nang mag-start ako sa Cosmo."

Isang Balikbayan si Yamani. Ipinanganak siya sa Canada at noong 1995 lang siya dumating sa Pilipinas. Canadian citizen siya with Filipino parents pero meron siyang working permit bilang estranghero. "Mas gusto kong manatili sa Pilipinas kaysa Canada," pagmamalaki niya.

Ang kahanga-hanga kay Yamani, natuto lang siyang magsalita ng Tagalog nang siya ay magbalik-bayan. Matatas na siyang mag-Tagalog kumpara sa ibang recording artists gaya ni Martin Nievera na ang tagal-tagal na sa Pilipinas ay bulol pa ring mag-Tagalog. "Talagang pinag-aralan kong mabuti na mag-Tagalog, kasi English ang ginagamit ko sa Canada. The whole family speaks in English nung nasa Canada pa kami. Nang dumating ako rito, kinakausap ko yung mga katulong na nagta-Tagalog, kahit yung mga kasama ko sa Edge, yung banda na kasali ako."

Wala siyang naging boyfriend sa banda na kinaaaniban niya. Kahit ngayon, wala siyang boyfriend. "Noon, nagka-boyfriend ako. Chinese guy in Canada. Pero ngayon, talagang wala. Una, masyado akong busy. Pangalawa, ayaw ng Prime Music, my recording company, na magka-boyfriend ako. Hindi kasi puwedeng pagsabayin ang career at lovelife. Kung sa trabaho kong ito may boyfriend ako, magseselos lang siya sa mga lalaking lumalapit. Mag-aaway lang kami. Sasabihin niyang manliligaw ko ang mga ’yon!"

Si Toni Braxton ang paborito niyang singer. Kung puwede nga lang siyang taguriang "The Toni Braxton of the Philippines,". "I like Mariah Carey and Whitney Houston, kaso their songs are not in my range. Toni is more of my range. Ang boses niya kasi, may passion, sexiness and mystery. Maganda talaga siyang kumanta."

Sa Canada, nag-voice lesson si Yamani. Sa isang French school siya nag-elementary, Lecle Saint Sacranemas, St. Patrick High School at ICS siya nagtapos ng Business Management. Kulturada si Yamani. "I speak four languages: English, French, Chinese (Fookien) and Pilipino."

Si Dawn Zulueta ang paborito niyang aktres at si Diether Ocampo naman ang type iya sa mga aktor. "Kung merong offer sa aking pelikula, sana makasama ko siya (Diet) balang araw," natatawang sabi ni Yamani.

Limang taong gulang si Yamani nang magkaroon siya ng interest na kantahin ang "You Needed Me" ni Anne Murray. "Flash Dance" naman ang una niyang kinanta sa minus-one, "What a Feeling" in particular."Ang taba-taba ko noong maliit pa ako, kaya from age five to nine, talagang mahiyain ako," pagtatapat niya. "Lagi akong nagtatago sa kuwarto, sinasabayan ko ang radyo. Minsan, may party sa auntie ko, nagpunta kami. Uso na noon yung karaoke. Nang umalis yung parents ko at mga kapatid ko para kumuha ng pagkain sa kusina, kumanta ako at lahat sila, naglabasan. Kahit tatay ko, nabigla. ‘Sino yon?’ ‘Yung anak mo!’, sabi ng auntie ko. Ang nanay ko ay in-encourage ako to take up voice lessons. ’Yon na ang simula." Sa Canada, nagamit ni Yamani ang kanyang talento bilang mang-aawit sa mga fund-raising projects para sa pagpapatayo ng Filipino Community Center Society.

Hindi pa nakakabalik ng Canada si Yamani mula nang siya ay maging isang recording artist. Ayon sa kanya, hindi nawawala ang intriga sa kapwa Pinoy kahit sa ibang bansa. "Papunta pa lang ako sa Pilipinas, ang dami nang naninira o naiinggit sa akin. Para bang ayaw nilang magkaroon ako ng break dito. Ewan ko ba, hindi na ata maaalis yon, eh."

Nasa bansa na si Yamani nang madiskubre siya ni Ricky C. Lo, executive producer ng Prime Music. Kumakanta siya noon sa Kampo. Naakit si Ricky sa tinig ng balikbayan. Naisip niyang ibenta ang talino nito sa publiko bilang sentimental songstress. "Ang pinaka-ironic sa pangyayari noon, nakita ako ni Ricky singing with the band na sayawan pa ang usong mga kanta noon."

Nang unang iniestablisa pa lang bilang recording artist si Yamani at mukhang sisikat dahil maganda na ay mahusay pa ang tinig, nagsimula rin ang maraming intriga laban sa kanya. "I’ve herad people say na hindi raw ako babae kundi lalaki raw ako. Kasi, I was singing with the band, that time, uso sa States na maskulado ang babae. E nagpalaki ako ng muscles noon. Tapos, ang baba pa ng boses ko, ang laki talaga. Tapos, nagtataka pa sila, ba’t wala siyang boyfriend? E nung time na yon, kumalat pa ang balita na yung mga Spice Girls, hindi tunay na babae kundi mga drag queens. Kaya sa case ko, naghinala silang lalaki ako. Ang daming naging curious na panoorin ako thinking na lalaki ako. After it died down, kumalat naman ang tsismis na lesbian daw ako! Ang daming babae tuloy ang nagkagusto sa akin, yung iba, sinusundan pa akong pauwi."

Pero ang tanong, diretsahan, lesbyana ka bang talaga, Yamani?

"No, I’m not!" diin niya. "I admit there were tomboys na nagkagusto sa akin. But I turned down those proposals. I can be their friend and anybody for that matter, pero yung pumatol, sorry na lang. Ang ipinapaalam ko sa kanila, I am a heterosexual. I can only make love to a man. I love men and only a man can satisfy me!" At bigla siyang napatawa nang malakas.

Isinasama rin si Yamani sa mga kumakanta ng naughty songs o double-meaning songs, pero sabi niya, "Isinulat yung "Hindi Ako Laruan" noon pang 80s, kaya hindi siya ganun, but anyway, ang importante, pinag-uusapan yung kanta."

AKO

NANG

PILIPINAS

SIYA

YAMANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with