LT, sa'n ba dapat na-nominate, sa Lacson filmbio o Sugatang Puso ?
December 20, 2000 | 12:00am
Hindi na nga kinukuwestiyon ang galing at husay ni Lorna Tolentino sa larangan ng pag-arte. Napatunayan na niya ito sa ilang tropeo na kanyang napanalunan bilang best actress mula sa iba’t ibang award-giving bodies.
Ngayon ay mapapanood ulit si LT sa isang mapaghamong papel bilang si Alice Lacson sa true story ni PNP Chief Gen. Panfilo "Ping" Lacson sa The Ping Lacson Story ng Millennium Cinema.
Ito nga ang muling pagkakataon ni LT na gumanap sa isang makatotohanang role ng isang asawa na handang isakripisyo ang lahat para sa kanyang pinakamamahal na asawa. Si Rudy Fernandez ang gumaganap bilang si Gen. Ping Lacson.
"Gusto ko talagang makasama sa pelikulang ito," sey ni LT. "Noong ginagawa pa lang nila ang casting para sa papel ng asawa ni Ping Lacson, sinabi ko na willing akong gumanap na Alice Lacson dahil interesado ako sa buong pelikula. At saka, matagal na kaming hindi nagsasama ni Daboy sa isang malaking pelikula."
Naka-inspire nga kay LT ay ng malaman niya ang buhay na tiniis ni Alice Lacson dahil sa pagpapakasal niya sa isang mahusay at kontrobersiyal na alagad ng batas.
"Nag-research ako tungkol sa kanya at masasabi ko na napakamartir niyang babae. Marami siyang sakit at paghihirap na pinagdaanan, kasama pa roon ay ang pakikiharap niya sa mga naging babae ng kanyang asawa. Pero ang nakakabilib ay ang kanyang lakas para harapin iyon. Gusto lang naman niyang patunayan na mabuti siyang ina sa kanyang mga anak at mabuting asawa sa kanyang mister."
Another role na sinasabi na magbibigay ng award bilang Best Actress kay Lorna sa MMFF ay ang role ng ina sa Sugatang Puso. Just like the role of Alice, naka-relate si LT sa role niya sa MAQ movie dahil isa rin siyang ina, the movie is about families, dealing w/ the complexities of life.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended