Pagbabalik-pelikula ng isang director
December 19, 2000 | 12:00am
Kung kailan pabagsak na ang industriya ng pelikulang lokal ay saka pa lamang babalik ang beteranong direktor na si Arsenio "Boots" Bautista. Ito ay sa pamamagitan ng pelikulang Torotot, isang comedy drama na nagtatampok kina Leo Martinez at Klaudia Koronel bilang mga pangunahing bida.
Ngunit hindi basta-basta ang kanyang pelikula sapagkat taglay niya ang isang sistema sa pagpo-prodyus ng pelikula na maaaring makakapagbigay sigla sa kasalukuyang krisis sa industriyang pampelikula. Ito ay ang sistema ng kooperatiba. Sa pamamagitan ng pagbubuklod-buklod ng mga artista, manunulat, direktor at mga tekniko at manggagawa na ang bayad sa kanilang talento at serbisyo ay magiging bahagi ng puhunan ay makakapag-prodyus na sila ng kanilang pelikula at kakaunting cash capital outlay na lamang ang kailangan.
Alinsunod nito ay itinatag ni direk Bautista ang Filmmakers Cooperative Incorporated (FCI), ang kauna-unahang kooperatibang pampelikula sa bansa. Ang Torotot ang kaunaunahang proyekto ng kooperatiba. Ito ay susundan agad ng Walang Tiki-Tiki at Kapirasong Gubat.
Ang FCI ay suportado ng isang grupo ng malalaking negosyante na pinamumunuan ni Lito Marcos, kasama sina Rey Rocas, Jr., Richard Villaflor, Aristodes Ruaro, Romeo Roncal Acosta, Baby Calido at Marilou F. Villaflor. Sila ang magbibigay ng financing para sa cash outlay ng bawat proyekto.
Ilan sa kanyang mga box-office hits ay ang Hukom Bitay at ilan pang pelikula ni Pangulong Joseph Estrada, Dabiana at Lord Give Me a Lover ng Seven Stars productions, Throw away Child, Uhaw sa Kalayaan at Walang Karanasan ng Regal Films, Kirot, Public Enemy No. 1 at Guhit ng Palad ng Seiko Films, Batambata ng JPM Productions, Broken Home ng Bancom Audiovision at Sa Harap ng Bibitayin ng Margarita Productions.
Si Bautista ay tapos ng BSBA major in management sa MLQU at maraming hinawakang posisyon sa maraming kumpanya.
Sa kasalukuyan, direktor si Bautista ng dalawang television programs for the INC, board members, cinema committee ng National Commission for Culture and the Arts (NOCA), adviser ng Film Academy of the Philippines (FAP) at vice president ng Kapisanan ng mga Direktor ng Pelikulang Pilipino (KDPP) matapos magsilbing chairman mula noong 1982 hanggang 1997. –RlMorata

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended