^

PSN Showbiz

Senior stars sa MMFF

-
Ang magdadala raw ng MMFF 2000 ay ang mga senior stars tulad ni Gloria Romero sa Tanging Yaman, Dolphy sa Markova, Eddie Garcia sa Deathrow at hindi naman na masasabing nasa young star category pa sina Lorna Tolentino at Christopher de Leon sa Sugatang Puso, sina Rudy Fernandez, Ricky Davao at Herbert Bautista sa Ping Lacson: Supercop.

Well, ang Streetboys sa Spirit Warriors siguro ang tanging may karapatan na matawag na young. Ang mga young stars–sina Marvin Agustin, Jericho Rosales, Patrick Garcia, Cogie Domingo, Carlo Aquino, Jeffrey Quizon at Angelika dela Cruz ay puro supporting roles pero importante naman daw at umiikot sa kanila ang plot ng istorya.

Pero hindi kaya sila lamunin ng mga malalaking dramatic talents ng mga batikang tulad nina Johnny Delgado, Joel Torre, Edu Manzano, Hilda Koronel, Dina Bonnevie, Cherry Pie Picache, Jaclyn Jose, Cherie Gil, Eric Quizon pag dumating na ang awards time?

Sabi nga ni Dominic Ochoa, karangalan pa rin sa kanya ang mapasama sa eksena ng mga bigating artista kahit na siya magmukhang extra dahil the experience is worth it. Siyempre marami namang acting tips at acting pointers ang ibinabahagi sa mga batang artista ng mga producer, direktor at kapwa aktor. Pero iba siyempre kung nakikita mo na kung umaarte ang mga tunay na magagaling. Nadadala ka na rin. At sabi nga, sa mga tunay na aktor, hindi na pinatutunayan ang kanilang husay, basta epektibo sila sa eksena nilang ginagampanan, iyon ang mas importante.

Sa karaniwang manonood, sinusukat nila ang importansiya ng isang karakter sa pelikula, sa rami ng eksena niyang nilalabasan, sa haba ng dialog, sa rami ng close-up at sa physical energy na dapat ibigay sa eksena. Sa mga batikang artista, alam nila kung gaano kahalaga ang isang eksena kahit walang dialog, kahit walang galaw, alam nila kung mapapansin sila sa isang eksena o hindi–nagsasalita man o tahimik.

Di nga ba si Nora Aunor, tumingin lang ay parang nagda-dialog na at si Vilma Santos naglalakad lang sa lansangan, malalaman mo na kung ano ang iniisip at nadarama. Sa ibang artista, galaw lang ng balikat, ngiti lang ng labi, taas ng kilay, kay dami nang emosyon ang naipapahayag. May iba naman, tatlong minuto nang naglulupasay sa lupa ay wa-epek pa rin. Talaga sigurong ganoon.
Nasobrahan ng pagka-kontrabida
Natural din siguro na ang mga artista ay nalilimitahan ng kanilang itsura at figure. Hindi mo naman aakalaing tatanggapin pa ni Johnny Delgado o ni Edgar Mortiz ang mga roles na pang-matinee idols. Na-type cast na rin na comedian si Bobot Mortiz pero si Johnny kahit bida or kontrabida ang papel, kayang-kaya. Napapansin ko rin na parang pinangatawanan na ni Albert Martinez na tanggapin ang mga roles ng mga evil characters. Ubod siya ng sama sa Sidhi at parusa sa buhay ni Nora Aunor. Salbahe rin siya sa Ika-13 Kapitulo na satanas pa nga ang role niya. Doon naman sa pelikulang Scorpio Nights 2 at Ekis, masama rin ang ugali niya. Ganoon din naman si Edu Manzano na talagang kamumuhian mo sa kanyang mga roles sa pelikula. Laging kontrabida–kahit nga sa Abandonada at Tanging Yaman. Kailangan siguro ni Edu ay magbida naman siya dahil after all gusto niyang maging Makati mayor. Baka akalain ng mga voters ay masamang tao siya talaga. I heard pa naman na he is one of the nicest persons to talk with.
Hindi sexy si Rica
Sinadya kong panoorin ang Ex-Con hindi dahil kay Victor Neri na iisa ang expression ng mukha, kundi kay Rica Peralejo na kasalukuyang bumabandera sa lahat ng diyaryo dahil sa kanyang pagbabagong image. Ang Ex-Con ay isang action movie na gasgas na ang tema tungkol sa isang pulis (si Victor) na nagpapanggap na isang notorious ex-con para lang mapasok ang isang sindikato upang makakuha ng ebidensiya laban sa mga criminal activities nito.

Wala namang matinding sexy scenes si Rica kundi ang torrid kissing lang nila ni Victor. At sa totoo lang, nagmukha siyang ekstra sa pelikula dahil wala man lamang siyang dramatic highlight. Siguro nga ang bed scene niya with Victor Neri was supposed to be the image changing moments for her. Ang Ex-Con ay isang karaniwang Toto Natividad movie shot on different locations pero ang climax ay doon din sa paboritong lugar niya, sa Baguio yata, isang abandonadong mining camp na may giba-gibang wooden building. Madalas ko nang makita ang lugar na ito sa mga action movies at na-memorize ko na yata ang bawat hagdan at pintuan ng area.
*****
Email:[email protected]

EDU MANZANO

EX-CON

ISANG

JOHNNY DELGADO

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with