Dahil sa ABS-CBN party, show ni Aiko nalugi
December 18, 2000 | 12:00am
Sabay na nagkaroon ng concert sa Rembrandt Hotel noong Biyernes–isa ay birthday concert ni Aiko Melendez kasama ang ilang komedyante kung saan maraming sikat na celebrities ang kanyang guest sa pangunguna ni Kris Aquino at ang malilikom na pera ay para sa mga leprosarium.
Ang isa namang concert ay kay Yam Ledesma at Leonard Obal at kumita naman ang prodyuser ng show.
Napag-usapan ang tungkol kay Aiko kung saan ayon sa isang insider sa hotel ay sinabing malungkot si Aiko dahil malaki ang binayaran nito sa halip na kumita. Walang laman ang ibang mga mesa at ang mga inaasahang darating sa concert ay hindi natuloy.
Malaking epekto ang nagawa ng Christmas Party ng ABS-CBN dahil walang maparadahan ang mga manonood ng concert kaya yong ibang ayaw maiwanan ang mamahaling sasakyan ay umalis na lang. Malabo ring makakuha ng maraming (walk-in) na manonood dahil sa sobrang ingay na dulot ng programa kung saan sa daan ito ginawa malapit sa Rembrandt.
More or less daw 100,000 ang binayaran ng aktres sa halip na kumita.
Naging matagumpay ang launching concert ni Yam Ledesma sa Rembrandt Downtown noong Biyernes ng gabi. Napuno naman ang venue kaya tuwang-tuwa ang magandang singer. Naroon ang buong pamilya niya para suportahan siya.
Na-late si Leonard Obal dahil galing siya sa isang show at na-traffic pa sa may Morato dahil nga sa Christmas Party ng ABS-CBN. Marami tuloy ang hindi nakapanood dahil wala silang maparadahan kaya minabuting umalis na lang. Bakit naman kasi pati ang lugar ng Rembrandt ay sinakop ng Dos?
Kahit mataas ang lagnat ng guest ni Yam na si Leonard ay tuloy pa rin ito sa kanyang pagpapatawa at pag-awit kung saan halos maiyak sa katatawa ang mga tao. Hindi halata na may dinaramdam siya nang gabing yon. Kilala na sa pagiging mabait at mapagkawanggawa ang komedyante kaya naman tuloy ang pagratsada ng career niya lalo na sa mga stand-up comedy act at mga shows. Doon ko lang napatunayan kung gaano kaganda ang boses nito at talagang maaasahan sa pagkanta.
Aware si Angelika dela Cruz sa mga kaguluhang nangyayari sa ating bansa at kahit abala ay lagi siyang nakatutok sa telebisyon para manood ng impeachment trial ni Pangulong Estrada.
Tatlo ang Christmas wishes ng magandang aktres. Una ay gusto niyang magkaroon ng kapayapaan ang ating bansa at sana’y bumalik ito sa maayos na kalagayan lalo na sa pangkabuhayan. Ikalawang wish niya ay magtuluy-tuloy na ang kanyang movie career. Balitang maganda ang pasok ng taon kay Angelika dahil gagawa siya ng international movie katambal ang isang sikat at guwapong Japanese actor. Bagay na bagay ang dalawa na magkakapareha sa isang drama-comedy movie na hinaluan ng pag-iibigan. Ikatlong wish ng aktres ay matapos na ang problema sa BMG Records para mai-promote niya ang album na ire-record sa Japan.
Memorable ang Kapaskuhang ito dahil sama-sama sila ng buong pamilya.
Hindi na uso ngayon ang bonggang mga Christmas party na dating ginagawa ng malalaking kumpanya dahil nagtitipid na rin ang mga prodyuser. Dahil mahina ang kita ng kanilang negosyo ay hindi na sila nagdaos ng party at pagkakaroon ng mga pabulosang pa-raffle lalo na ng ABS-CBN at Regal Films na inaabangan ng mga press people.
Sa halip ay nagbibigay na lang sila ng giveaways pero may ilang kompanya na wala na ring pamigay dahil nakikiayon sa panahon.
Panay din ang tawag sa akin ng mga kaibigang celebrities at nagtatanong kung may raket ba sila na gaya nang ginagawa noon ng Solar Films kung saan nag-imbita sila ng celebrities para ihandog sa mga kaibigan sa showbis na nagdaraos ng party. Komo wala na ngang party ay wala na rin silang raket. Mabibilang na lang sa daliri ang nag-iimbita ng mga artista na kakanta sa kanilang Christmas Party.
Ang isa namang concert ay kay Yam Ledesma at Leonard Obal at kumita naman ang prodyuser ng show.
Napag-usapan ang tungkol kay Aiko kung saan ayon sa isang insider sa hotel ay sinabing malungkot si Aiko dahil malaki ang binayaran nito sa halip na kumita. Walang laman ang ibang mga mesa at ang mga inaasahang darating sa concert ay hindi natuloy.
Malaking epekto ang nagawa ng Christmas Party ng ABS-CBN dahil walang maparadahan ang mga manonood ng concert kaya yong ibang ayaw maiwanan ang mamahaling sasakyan ay umalis na lang. Malabo ring makakuha ng maraming (walk-in) na manonood dahil sa sobrang ingay na dulot ng programa kung saan sa daan ito ginawa malapit sa Rembrandt.
More or less daw 100,000 ang binayaran ng aktres sa halip na kumita.
Na-late si Leonard Obal dahil galing siya sa isang show at na-traffic pa sa may Morato dahil nga sa Christmas Party ng ABS-CBN. Marami tuloy ang hindi nakapanood dahil wala silang maparadahan kaya minabuting umalis na lang. Bakit naman kasi pati ang lugar ng Rembrandt ay sinakop ng Dos?
Kahit mataas ang lagnat ng guest ni Yam na si Leonard ay tuloy pa rin ito sa kanyang pagpapatawa at pag-awit kung saan halos maiyak sa katatawa ang mga tao. Hindi halata na may dinaramdam siya nang gabing yon. Kilala na sa pagiging mabait at mapagkawanggawa ang komedyante kaya naman tuloy ang pagratsada ng career niya lalo na sa mga stand-up comedy act at mga shows. Doon ko lang napatunayan kung gaano kaganda ang boses nito at talagang maaasahan sa pagkanta.
Tatlo ang Christmas wishes ng magandang aktres. Una ay gusto niyang magkaroon ng kapayapaan ang ating bansa at sana’y bumalik ito sa maayos na kalagayan lalo na sa pangkabuhayan. Ikalawang wish niya ay magtuluy-tuloy na ang kanyang movie career. Balitang maganda ang pasok ng taon kay Angelika dahil gagawa siya ng international movie katambal ang isang sikat at guwapong Japanese actor. Bagay na bagay ang dalawa na magkakapareha sa isang drama-comedy movie na hinaluan ng pag-iibigan. Ikatlong wish ng aktres ay matapos na ang problema sa BMG Records para mai-promote niya ang album na ire-record sa Japan.
Memorable ang Kapaskuhang ito dahil sama-sama sila ng buong pamilya.
Sa halip ay nagbibigay na lang sila ng giveaways pero may ilang kompanya na wala na ring pamigay dahil nakikiayon sa panahon.
Panay din ang tawag sa akin ng mga kaibigang celebrities at nagtatanong kung may raket ba sila na gaya nang ginagawa noon ng Solar Films kung saan nag-imbita sila ng celebrities para ihandog sa mga kaibigan sa showbis na nagdaraos ng party. Komo wala na ngang party ay wala na rin silang raket. Mabibilang na lang sa daliri ang nag-iimbita ng mga artista na kakanta sa kanilang Christmas Party.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
A few seconds ago
By Lolit Solis | A few seconds ago
A few seconds ago
By Gorgy Rula | A few seconds ago
A few seconds ago
By Leon Guerrero | A few seconds ago
A few seconds ago
By Nitz Miralles | A few seconds ago
Recommended