^

PSN Showbiz

FPJ, Ara, may video na

-
Ang Ayos Na. . . Ang Kasunod ng Millennium Cinema ay tungkol kay Ramon, isang masipag na beer salesman na may matapat na driver/partner sa katauhan ni Bindoy. Habang siya’y nagde-deliver sa isang kostumer, nakita niya sa katapat na karinderya si Amor at naakit sa ganda nito. Ang problema, si Amor ay may mga kapatid na lalaking puro istrikto at tigasin. Dagdag na balakid sa sitwasyon ay si Violy na nahuhumaling kay Ramon. Bandang huli, kailangang ipaglaban nina Ramon at Amor na sila’y para sa isa’t isa. Pinagtambalan nina Fernando Poe, Jr. at Ara Mina, ang blockbuster movie na ito’y ay ini-release na sa VCDs at VHS tapes ng C-Interactive Digital Entertainment.

Ini-release din sa VHS format ang mga sumusunod: Garapal, (Gary Estrada at Lara Fabregas), Bawal Mahalin, Bawal Ibigin, (Stella Ruiz, Rita Magdalena at Dan Fernandez), Pangarap Ng Puso, (Matet de Leon), Taytaynic (Dolphy, Zsazsa Padilla) at Ibulong Mo Sa Diyos II, isang religious drama na pinagbidahan ni Assunta da Rossi bilang isang faith healer. Samantala, nasa VCDs naman ang: Pasasabugin Ko Ang Mundo Mo (Lito Lapid at Klaudia Koronel), Daddy O! Baby O! (Dolphy at Serena Dalrymple) at Hiyas ni Jasmine Tolentino. (Ulat ni Zar Baisas)

ANG KASUNOD

ARA MINA

AYOS NA

BABY O

BAWAL IBIGIN

BAWAL MAHALIN

C-INTERACTIVE DIGITAL ENTERTAINMENT

DADDY O

DAN FERNANDEZ

DOLPHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with