Rica, maldita sa katulong!
December 11, 2000 | 12:00am
Sa gitna ng isyung pagpapaseksi ni Rica Peralejo, kumalat naman ang intrigang inirereklamo raw ng mga katulong ang actress.
Diumano, wala raw nagtatagal na katulong sa bahay nina Rica. Mataray at maldita raw kasi si Rica. Wala raw awa kung magmaltrato ng katulong. Kaya naman suko raw ang mga katulong sa kanya?
Well, sa pagkakataong ito, nakausap namin si Rica over the phone at binigyan niya ng linaw ang mga paratang na ito.
"I don’t know kung kailangan ko pang patulan ‘yan, pero natatawa na lang talaga ako," panimula ni Ms. Peralejo.
"Paano mangyayari ‘yon, eh, super tagal na sa amin ang mga maids namin. ‘Yung yaya ko is 19 years na sa akin. At ‘yung isa, si Daday, is 30 years na sa bahay.
"So, paanong mangyayari ‘yon? Ang sweet ko naman palang magmaltrato kung gano’n!" pagpapatuloy ng aming kausap.
"Hindi ko talaga alam kung saan nila nakuha ang balitang ‘yan. Kahit ako, eh, nagulat. Napakalaking kalokohan at kasinungalingan!
"Ewan ko kung ano ang gusto nilang mangyari. Hindi ko alam kung gusto lang nila akong sirain or what. Pero huwag na naman nilang idamay pa ang maids namin sa bahay. Nananahimik po sila!" ang napatiling sabi pa ng leading lady ni Victor Neri sa pelikulang Ex-Con ng Star cinema.
Samantala, naaliw naman si Rica sa tsikang dahil daw sa kanya ay na-convince na rin sina Assunta da Rossi at Bernadette Allyson na magpaseksi sa screen.
"Well, at least, nakatulong pa pala ako. Sa akin kasi, wala naman akong nakikitang masama dahil nasa sa ‘yo na rin ‘yon kung gusto mo pa ring manatili ang respeto ng tao."– R P

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended