Sino si Leia ?
December 10, 2000 | 12:00am
Hindi nawawalan ng bagong singer ang lokal na industriya ng musika at si Leia Alano ang isa sa humahabol bago magtapos ang 2000.
Mula sa angkan ng mga mang-aawit si Leia, sa choir man sa simbahan o propesyunal na pagkanta sa mga club at show, subalit ayon sa dalaga, ngayon lang niya natuklasan na nakakakanta pala siya.
Latebloomer na nga siya, ani Leia.
Kahit wala sa mainstream ang pamilya ni Leia, hinahangaan naman ang mga ito sa larangan ng musika.
Nakapagtanghal na si Leia sa ibang bansa, kabilang ang Amerika at nahasa siya lalo sa pagharap sa maraming klase ng tao.
Nang umuwi siya sa Pilipinas, nakilala niya ang beteranang prodyuser ng pelikula at aktres na si Laila Dee sa pamamagitan ng kanyang mga pinsan na kaibigan ni Laila kaya nang marinig ng huli ang boses ni Leia, agad niyang ipinangako na aalagaan niya ang kaanak ng kanyang mga kaibigan.
Nakalabas na sa telebisyon si Leia kabilang sa dating Alas Dose Sa Trese na ngayon ay Lunch Break sa Channel 13, Master Showman ni German Moreno sa Channel 7, Arangkada, Ulat Sa Tanghali nina Angelique Lazo at Dody Lacuña sa Channel 9, "Sentiments of the Hearts" ni Laila sa DZME, "Radyo Kabayan" ni Boy Villasanta sa Radyo Natin Gumaca.
Nakapagsaplaka na si Leia at nakatakdang ilunsad sa Music Museum sa ika-14 ng Disyembre, 2000 sa ganap na ika-7 ng gabi kung kailan din namamahagi ang Laging Dumadamay Foundation ng parangal sa mga namumukod-tanging mamamayan ng Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended