^

PSN Showbiz

Jeffrey, nasapawan ang ama, kapatid sa Markova ?

-
Ilang movie critic ang nakausap ko kung saan sinabi nilang lumutang ang akting ni Jeffrey Quizon bilang young Walter sa pelikulang Markova. Natural na natural ang pagganap nito sabi pa nila. Marami na rin itong nagawang screenplays at naging bahagi din ng film production bilang assistant director. Hindi kami magtataka kung mabibigyan pa ng maraming proyekto si Jeffrey dahil isa siyang rebelasyon sa Markova. Ito’y sa direksyon ni Gil Portes.
Piolo, naluluha dahil sa pagtaas ng popularidad
Special request ng mayor at mga taga-Dasmariñas Cavite na maging panauhin nila sa kapistahan si Piolo Pascual. Halos lahat ay gustung-gusto siyang makita kahit sandali lang. Nakausap ko nang personal si Lou Gopez at gustuhin man niyang pagbigyan si Wilson Tieng na siyang nagbigay ng malaking break kay Piolo via Lagarista gayundin si Papa Jesse Ejercito ng Crown Seven Ventures ay wala silang magawa dahil may syuting ito ng Dekada ‘70 kasama si Mayor Vilma Santos. Fully booked na ito hanggang February dahil sa dami ng kanyang commitment.

Dalawang pelikula pa ang nakatakdang gawin ni Piolo. Ang isa’y Asensado at ang isa naman ay experimental movie. Ayon kay Lou, kapag nagsisimba sila sa Baclaran ni Piolo ay naluluha ang aktor dahil hindi niya sukat akalain na humirit nang husto ang kanyang career. Sabi nga nito sa manager, "Nakakatakot sa itaas. Ayokong mag-isa dahil baka layuan ako ng mga kaibigan ko at kabarkada dahil sinasabi nilang sikat na sikat na ako. Wala pa rin akong pagbabago at kailanman ay hindi mag-iiba ang aking ugali," anya.
Anna Katrina, deserving manalo
Nakapanayam namin ang grand prize winner ng GMA Star Search na si Anna Katrina Lara. Ipinanalo nitong awitin ay pinamagatang "Wings of Love" na inawit ni Jeffrey Osborne at ni-revive ni Regine Velasquez. Nanalo siya ng cash prize na 300,000, tropeo at dalawang taong kontrata sa GMA.

"Ano ang ginawa mo sa iyong premyo? Yong 100,000 ay inilagay ko sa time deposit at yoong 200,000 ay ginamit namin sa tuition fee naming magkapatid. Excited na ako na maging isang kapamilya ng GMA 7," aniya.

Bata pa ay magaling na siyang umawit at nagmana ng magandang tinig sa kanyang ina. Nanalo na si Anna sa inter-university singing competition sa Far Eastern University bilang grand prize winner. Dito rin siya nag-aaral at kasalukuyang nasa ikalawang taon ng Mass Communications.

Nakalabas na rin siya sa FEU theater guild sa stage play na "Once In This Island".

Ang ikinalulungkot lang ni Anna ay hindi nila kapiling ang ama kung saan hiwalay na ito sa kanila sapul nang apat na taong gulang siya. "Siguro kapag nalaman niya ang tagumpay kong natatamo ay baka maligayahan din siya gaya ni mommy. Masaya naman kami ng aking ina at kapatid kahit hindi ko nakikita ang aking daddy," pahayag pa nito.
Sikat na movie company, hirap magbayad!
May problema yata ang mga artista at production staff sa isang malaking movie company dahil nade-delay ang suweldo ng mga empleyado gayundin ang pagbibigay ng talent fee sa mga artista.

Itinuturong dahilan ay ang kahigpitan ng bagong comptroller ng kompanya.

Imbyerna na ang isang sikat na aktor dahil sa pabalik-balik na paniningil ng talent fee na hindi naman kalakihan. May alam din kaming isang executive na nag-resign na dito.

Sabi nga nila ay baka masira ang magandang reputasyon ng kompanya dahil sa kahigpitan ng comptroller na ito.

vuukle comment

ANNA KATRINA

ANNA KATRINA LARA

CROWN SEVEN VENTURES

DAHIL

FAR EASTERN UNIVERSITY

GIL PORTES

JEFFREY OSBORNE

JEFFREY QUIZON

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with