Wowie, binabalikan si Rica !
December 9, 2000 | 12:00am
Loveless ngayon pareho sina Wowie de Guzman at Rica Peralejo. Kaya pagbibida na rin ng source namin, malapit na rin daw magkabalikan ang ex-lovers na ito.
Ayon na rin sa aming nakausap, pumuporma raw ulit ngayon si Wowie kay Rica. At nagsimula raw ang panunuyong ito ni Wowie nu’ng magkasama sila sa isang show ng GMA 7.
Hindi na raw maawat ang tawagan nila ngayon sa cell. Walang katapusang kumustahan at sweet messages?
"Nagkasama lang po kami ni Rica sa isang episode ng GMA Love Stories, pero ‘di kami nagkabalikan. Kung may nabalik man, siguro ‘yung friendship at magandang samahan lang namin.
"Before kasi medyo nagkakailangan na kami. Pero okey na ulit kami ngayon, at ‘yon ang importante. Masaya na rin kami ngayon sa mga buhay namin," nangingising simula na rin ni Mr. de Guzman.
Botong-boto naman ang mother dear ni Rica kay Wowie. Sabi pa ng nanay ni Rica, sa mga nanligaw at naging boyfriends ng kanyang anak ay si Wowie lang ang kanyang nagustuhan. At aware naman si Wowie dito.
"Mabait kasi ako kaya gusto ako ni Mommy Alice (pangalan ng dearest mom ni Rica)," at nangisi na lang ulit siya.
"Hindi rin naman ako nagsasalita ng patapos sa amin ni Rica. Everything is really possible. Pero sa ngayon, pahinga muna ako sa pakikipag-relasyon. Tama na muna ‘yung date-date, pero walang commitment," aniya pa.
At this point, hiningi na lang namin ang opinyon ni Wowie tungkol sa pagpapaseksi ngayon ni Rica?
"Kung anuman ang naging desisyon niya, alam kong pinag-isipan din niya nang husto ‘yon. Malaki na siya kaya alam na niya ang tama at mali. Kaya irespeto na lang natin siya."– R P

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended