Militar ang nobyo ng kontrobersyal na manager
December 7, 2000 | 12:00am
Madalas ngayon sa lalawigang kanyang kinalakhan ang isang bading at sikat na manager. Paano kasi ay nagkita na naman sila at nagkabalikan ng dating papa niya na may asawa na at mga anak. Noong binatilyo pa ang militar ay nagkaroon sila ng relasyon ng manager at nagkahiwalay nang pumunta ng Maynila ang huli. Iba na ang may pinagsamahan, ika nga.
Balitang nag-aaway ang militar at ang misis nito dahil nagseselos sa kanyang asawa na mahal din ang manager dahil naging mabait ito at maasikaso sa kanya. Sa katunayan ay puro class ang mga regalo ng manager sa militar. Kung minsan ay madaling araw na kung umuwi ng bahay ang guwapong militar at naging dahilan ng kanilang pag-aaway na mag-asawa.
Laging nakabantay ngayon si misis dahil mas pinapaboran ngayon ng kanyang asawa ang bading na manager dahil sa kabaitan nito.
Kahit may kontrobersya ay hindi ito inaalintana ng sikat na talent manager dahil umiibig na naman siya.
Tuluy-tuloy na ang pagpapaimbulog sa itaas ni Yam Ledesma bilang recording artist ng MMG Records. Pagkatapos ng matagumpay na concert sa Kampo noong November 30 ay magkakaroon siya ng solo concert sa Downtown Rembrandt sa Disyembre 15 kung saan magiging front act niya ang isang sikat na komedyante. Guest pa rin ang Spearband.
Ngayon pa lang ay excited na ang singer-actress at medyo kabado dahil ito ang maglulunsad sa kanya bilang isang concert artist. Panay na ang ensayo ni Yam kasama ang banda dahil marami siyang mga ispesyal na panauhin mula sa showbis.
Tapos ng midwifery ang singer pero mas ginusto pang pumalaot sa showbis. Nasa angkan naman nila ang mahilig sa pag-arte at pag-awit. Bunso sa magkakapatid si Yam kaya overprotective pa rin ito sa kanyang mga magulang. Marami pa siyang pangarap na gustong matupad at sabi nga ni direk Ronald Ledesma ay unti-unti na itong natutupad ng kanyang anak.
May self-titled album siya na nasa market na kung saan ang carrier single ay "Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib."
Naging maintriga noon ang married life nina Jestoni Alarcon at ng aming kaibigang si Lizette dahil sa isang babae na napaugnay sa action star.
Napag-alaman namin na tatlo na ang anak nila at masaya na ang kanilang pamilya ngayon. Ayon kay Jes, tahimik na silang mag-asawa at inaming magulo sila noon ni Lizette dahil nasa adjustment period pa lang sila at selosa pa ang asawa nito.
Gustuhin man ni Lizette na magtrabaho ay ayaw na ni Jes at nasa bahay lang ito para alagaan at asikasuhin ang kanilang mga anak. Maayos naman ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Dalawang pelikula ang natapos ng aktor at hindi naman siya nawawalan ng TV appearances. Kahit may pelikula siya sa ibang kumpanya ay prioridad pa rin niya ang Seiko Films dahil malaki ang utang na loob niya kay Robbie Tan.
Balitang nag-aaway ang militar at ang misis nito dahil nagseselos sa kanyang asawa na mahal din ang manager dahil naging mabait ito at maasikaso sa kanya. Sa katunayan ay puro class ang mga regalo ng manager sa militar. Kung minsan ay madaling araw na kung umuwi ng bahay ang guwapong militar at naging dahilan ng kanilang pag-aaway na mag-asawa.
Laging nakabantay ngayon si misis dahil mas pinapaboran ngayon ng kanyang asawa ang bading na manager dahil sa kabaitan nito.
Kahit may kontrobersya ay hindi ito inaalintana ng sikat na talent manager dahil umiibig na naman siya.
Ngayon pa lang ay excited na ang singer-actress at medyo kabado dahil ito ang maglulunsad sa kanya bilang isang concert artist. Panay na ang ensayo ni Yam kasama ang banda dahil marami siyang mga ispesyal na panauhin mula sa showbis.
Tapos ng midwifery ang singer pero mas ginusto pang pumalaot sa showbis. Nasa angkan naman nila ang mahilig sa pag-arte at pag-awit. Bunso sa magkakapatid si Yam kaya overprotective pa rin ito sa kanyang mga magulang. Marami pa siyang pangarap na gustong matupad at sabi nga ni direk Ronald Ledesma ay unti-unti na itong natutupad ng kanyang anak.
May self-titled album siya na nasa market na kung saan ang carrier single ay "Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib."
Napag-alaman namin na tatlo na ang anak nila at masaya na ang kanilang pamilya ngayon. Ayon kay Jes, tahimik na silang mag-asawa at inaming magulo sila noon ni Lizette dahil nasa adjustment period pa lang sila at selosa pa ang asawa nito.
Gustuhin man ni Lizette na magtrabaho ay ayaw na ni Jes at nasa bahay lang ito para alagaan at asikasuhin ang kanilang mga anak. Maayos naman ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Dalawang pelikula ang natapos ng aktor at hindi naman siya nawawalan ng TV appearances. Kahit may pelikula siya sa ibang kumpanya ay prioridad pa rin niya ang Seiko Films dahil malaki ang utang na loob niya kay Robbie Tan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended