^

PSN Showbiz

Polo, may kapalit na kay Sunshine

-
Nakakwentuhan ko si Dorothy Laforteza at sinabing kasama nila sa Master Showman ang manliligaw ni Sunshine Dizon na nagngangalang Martin Jeckain, isang 17 years old na estudyante ng St. Benilde.

Ayon kay Dorothy, matagal na nilang kakilala ang binatilyo at malapit din ang pamilya nito sa kanila. Wala siyang masabi ngayon sa bagong manliligaw ng anak kundi puro papuri.

Gusto rin palang mag-artista ni Martin at katunayan ay may alok ito mula sa isang movie company at pinag-iisipan pa niya kung papasukin din ang magulong daigdig ng showbis.

Hanggang ngayon ay properly chaperoned pa rin ang aktres kapag nakikipag-date at hindi pumapayag ang ina nito na lumabas sila ng solo ng manliligaw. Kung hindi kasama ang ina ay naroon naman lagi sa kanyang tabi ang alalay o ang kapatid na si Bong na siyang nagda-drive. Tuluyan na niyang tinuldukan ang relasyon nila ni Polo Ravales.
Gladys-Bf, Posibleng Magkabalikan
May nakausap akong kamag-anak ni Christopher Roxas at masaya nitong ibinalita na nagtatawagan na naman ngayon sina Gladys Reyes at Christopher. Kahit ngumiti si Gladys ngayon ay halata kong malungkot ang mga mata at inamin din ng aktor na nami-miss niya nang husto ang aktres.

Hindi kami magtataka kung dumating ang araw na magkabalikan muli ang dalawa dahil matagal ang kanilang naging relasyon at hindi pwedeng itapon agad ang maganda nilang pinagsamahan.

Magiging maganda ang Pasko ni Gladys at Chris dahil parang nagliligawan na naman sila. Inspirado ngayon ang dalawa sa kanilang career lalo na ang aktor na may munting pinagkakaabalahang negosyo.
Angelika-Sunshine, Pinag-Aaway
Iniintriga ngayon si Angelika dela Cruz at sinasabing si Sunshine Dizon na ang bagong paborito ng GMA 7 dahil sa pagbibigay dito ng mini-series. Tinanong ko ang magandang aktres tungkol sa intrigang ito. "Alam mo Tita, sapul at sapul ay wala akong inggit sa katawan. I’m very happy for Sunshine dahil matagal na niyang hinihintay ang ganitong pagkakataon. She’s my bestfriend at walang competition na namamagitan sa aming dalawa. Isa pa magkakaroon naman uli kami ng serye by January na tulad din ng pagsasama namin sa Umulan Man o Umaraw," aniya.

Tinanong ko rin si Angelika tungkol kay Antoinette Taus na katunggali rin niya sa GMA. Ayon sa aktres, mas masaya kung marami nga silang magkakasama na parang isang pamilya. "Hindi naman ako pinababayaan ng Syete at halos lahat ng programa ay kasama ako."

Ang mahalaga ay kalinya na ni Angelika sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto at Jolina Magdangal pagdating sa papularidad. Excited na ang aktres dahil muli siyang sasakay sa karosa ngayong Kapaskuhan dahil tiyak nang mapipiling entry ang Deathrow ng GMA Films para sa Metro Manila Film Festival.
Ang Pagbabalik Ng Blair Witch
Matapos tumiba sa takilya ang Blair Witch Project noon ay umaasa ang Solar Films na muling magtatagumpay sa box-office ang Book of Shadow: Blair Witch 2 dahil may panghatak ito sa masa. Bago ang mga artista, bago ang story concept at higit sa lahat punumpuno ng suspense ang movie.

Nakatutok ang istorya ng pelikula sa limang kabataan na nagpunta sa gubat para hanapin ang Blair Witch. Pero matapos matulog sa gubat ng isang gabi, nagising sila kinaumagahan na sira-sira na ang lahat ng gamit. At ni hindi nila naalala ang nangyari. Nagkaroon ng misteryosong marka ang kanilang katawan at namalagi muna sa isang hindi natitirahang bahay sa loob ng kagubatan.

Ang malaking katanungan ay kung makita kaya nila ang hinahanap na Blair Witch? Ang kasagutan ay matatamo sa panonood ng nakakatakot na pelikula. Tampok sina Jeff Donovan, Erica Leerhsen, Tristen Skylar sa direksyon ni Joe Berlinger.

Palabas na ito bukas sa inyong mga paboritong sinehan.
Jun E., Balik-Showbiz
Nakita kong naging judge sa isang pakontes sa Magandang Tanghali Bayan si Jun Encarnacion ang aking kaibigang world class na hairstylist. Aktibo na naman siya sa showbiz at madalas ngayong nakikita sa mga TV shows.

Naging abala kasi si Jun sa kanyang hair and Beauty Institute na nasa Dimasalang kung saan dinarayo ito ng mga estudyante. Abala din siya sa kanyang proyekto sa Hairdressers and Cosmetologists Association of the Philippines o HACAP.

Ngayong nalalapit na ang eleksyon ay may natatanggap din siyang alok para kumandidato sa kanilang lugar sa Nueva Ecija. Marami na rin kasi siyang natulungang tao kaya hinihimok na pumasok sa pulitika. Kaso wala talagang hilig si Jun na maging isang pulitiko.
Nainsekyur Ang Sikat Na Aktres Sa St Star
Naimbitahan sa isang basketball tournament ang dalawang aktres. Unang dumating si Aktres A na nagbida na sa pelikula. Maganda ang pagtanggap sa kanya ng opisyales ng isang bayan sa Batangas. Kaya feeling niya ay talagang siya ang bida doon.

Nang dumating sila sa gym na pagdarausan ng basketball tournament ay dumating naman si Aktres B na isang seksing aktres na alaga ngayon ng kompanya. Mas malakas ang palakpak kay Aktres B kaysa kay A kahit nagbida na siya dahil mas seksi ito at mas matangkad pa kaysa kanya. Walang kibo si Aktres A at ni hindi ngumingiti samantalang kaway naman nang kaway si Aktres B at sexy pa ang outfit. Feeling ni aktres A ay natalbugan siya nito.

vuukle comment

AKTRES

AKTRES A

AKTRES B

BLAIR WITCH

CENTER

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with