^

PSN Showbiz

Maricel, lalahok sa Mrs. Mutya San Francisco, USA

-
Nakita ko sa Face Value Salon sina Maricel Morales at Ace Espinosa kasama ang kanilang baby boy na mag-iisang taong gulang na yata. Napaka-cute ng bata at puwedeng-puwede ring maging artista. Sweet ang dalawa at maganda ang kanilang relasyon.

Sasali si Maricel ayon sa kanyang magandang ninang na si Bebot Santos na siyang may-ari ng Face Value Salon sa Misis Mutya na gaganapin sa San Francisco sa Amerika kung saan malaki ang pag-asa niyang manalo. Nagbibigay ng tips si Bebot ng tamang grooming sa kaibigang aktres na malapit nang umalis. Isa sa mga criteria ay dapat na legally married ang sasaling kandidata kaya nagpakasal muna sa huwes (kay Mayor Jinggoy Estrada) ang dalawa. Baka dumating din ang araw na pakakasal sila sa simbahan. Kwento pa rin ni Bebot na maswerte si Maricel dahil napakabait ni Ace at talagang mahal na mahal ang aktres.
Robin, Di Papasok Ng Pulitika
Maraming kumukumbinsi kay Robin Padilla na pasukin ang pulitika. Kung matatandaan minsan nang kumandidato ang aktor bilang vice-governor ng Nueva Ecija under Lakas NUCD pero hindi nanalo. Dahil dito ay nagkaroon tuloy ng phobia ang aktor sa eleksyon. Mas gugustuhin niyang magconcentrate na lang sa pag-aartista at asikasuhin ang kanyang pamilya. Nangako naman siyang tutulong sa mga kaibigang pulitiko. May gagawin silang pelikula ni Rica Peralejo sa Viva Films pero mauuna munang ipalabas ang movie nila ni Claudine Barretto.
Noli Boy, Umatras Din
Maraming nagtatanong kung tutuloy pa sa pagkandidato bilang senador si Noli Boy de Castro sa darating na 2001 local election. Dahil sa kaguluhang nangyayari sa bansa ay napagdesisyunan nito na ’wag nang ituloy ang kanyang plano. Naguguluhan din siya sa sitwasyon ngayon sa bansa.

Tama nga naman ang naging desisyon ni Noli dahil kung itutuloy nito ang kandidatura ay kailangang magbitiw siya sa kanyang posisyon sa ABS-CBN kaya mawawala ang Magandang Gabi Bayan at TV Patrol sa kanya. Isa pa, mataas ang kanyang posisyon pero wala na silang dapat ikabahala dahil hindi na siya aalis sa ABS-CBN.
Hanna, In-Demand Sa Abroad
Hindi kami magtataka kung bakit madalas maimbitahan sa mga shows sa abroad si Hanna Villame dahil ang galing nitong umawit.

Napanood namin ang concert nila ni Yam Ledesma sa Explotion 2000 noong Huwebes at walang pagod ito sa pag-awit at pagsayaw.

Ngayong Disyembre 3 ay aalis siyang patungong Australia kung saan magtatagal sila doon ng amang si Yoyoy Villame hanggang Disyembre 15. Pagka-Pasko ay may imbitasyon uli sila sa Canada para mag-show dahil naging matagumpay ang kanilang concert doon kamakailan.

First love ni Hanna ang singing kaya ito ngayon ang binibigyan niya ng prioridad kaysa sa pag-aartista. Kahit open na ang kanilang relasyon ni Ronald Gan ay malayo pa sa kanyang isipan ang pag-aasawa dahil marami pa siyang pangarap na gustong matupad para sa pamilya.

Abala ang magandang singer sa promosyon ng kanyang album under MMG Records kung saan patok ang kanyang carrier single na isang love song at kinompose ni Alex Catedrilla.
Naglolokohan Ang Sikat Na Magka-Loveteam
Sikat na magka-loveteam ang dalawang ito. Kapag nasa harap sila ng mga tagahanga at reporter ay sweet na sweet sila. Madalas ay magka-holding hands ang sikat na young actress at actor.

Pero kapag wala na sila sa harap ng kamera ay talagang mararamdaman mo na wala silang pagtingin sa isa’t isa. Ang young actress ay may non-showbiz na manliligaw kung saan madalas silang magkasama sa mga lakaran.

Ang aktor naman ay may nililigawan na taga-showbiz din. Kapag magka-holding hands ang dalawa at malayo sa mata ng mga tagahanga o tapos na ang taping ay biglang bibitiw sa pagkakahawak ng kamay ang aktres at pupuntahan ang alalay para hingin ang cellphone at tatawagan ang manliligaw. Ganito din ang drama ng aktor kung saan wala na yatang ginawa kundi makipag-usap sa kanyang nililigawang aktres.

CENTER

DAHIL

FACE VALUE SALON

KANYANG

KUNG

NOLI BOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with