^

PSN Showbiz

Victor Neri, magiging ama na!

-
Hindi nag-second thought si Victor Neri na aminin na magiging ama na siya. You read it right folks! Magiging tatay na ang action star na si Victor Neri sa edad na 23. Sa December 14 ang due ng non-showbiz girlfriend niya na ayaw i-reveal ang pangalan ni Victor. It’s a baby boy.

"I’m very excited. Ito na yata ang pinaka-masaya kong Christmas dahil magkakaanak na ako," he reveals sa presscon kahapon ng kanyang latest movie Ex-Con opposite Rica Peralejo under Star Cinema.

Very private raw ang magiging ina ng kanyang first baby kaya ayaw niyang sabihin kung ano ang pangalan ng girl at kung anong profession. Pero definitely, hindi ito from showbiz.

Hindi inaasahan ng karamihan sa nasabing presscon na aaminin ni Victor ang tungkol sa nasabing issue dahil matagal na rin naman itong pinag-uusapan at walang denial or confirmation. Actually, tsamba lang ang tanong ko tungkol dito dahil pinag-uusapan nga ng mga ka-table ko. Pero sinagot niya in all honesty.

Matagal din itong naging laman ng mga blind item at usap-usapan. Pero wala ngang confirmation sa panig ni Victor. Ngayon, confirmed na ang lahat.

Anyway, hindi live-in ang set-up nila ng gf niya. Sa kani-kanilang bahay pa rin nila sila umuuwi. Wala pa rin silang planong pakasal sa susunod na taon.

One year pa lang silang on. Wala pa talaga sana sa plano nilang magka-anak pero nangyari. Hindi rin taga-Cebu ang girl kumpara sa napabalitang nakilala niya ‘yun sa Cebu kaya parati siyang nandoon. Nandoon lang siya bilang bahagi ng trabaho niya as spokesperson ng Citizens Drug Watch.

Anyway, nag-deny na rin si Victor sa matagal nang issue sa kanila ni Angelu de Leon. Nakita raw kasi silang magkasama sa Cebu. "Nagkataon kasing pareho kaming nasa Cebu that time. Eh marami akong barkada do’n, so totoong inaya ko siyang lumabas. Ganoon lang," he confirms.

Anyway, ang Ex-Con ang ika-fourth movie niya kay Direk Toto Natividad. Kaya naman nang gawin nila ito, very comfortable na sila sa isa’t-isa. "Alam niya kasi kung paano niya ako kukunan at kung anong galaw ang dapat kung gawin," he says. Gumamit sila ng live sound sa pelikulang ito at inayos digitally.

Sa pelikulang ito rin unang nag-bare si Rica Peralejo as in nagpakita ng boobs for the first time.
*****
Kung saan may usok, doon may apoy. Pinag-uusapan kasi sa apat na sulok ng showbiz ang sinasabing paghihiwalay ng mag-asawang Jackie Lou Blanco at Ricky Davao after 13 years of their marriage. Hindi umano magkakaroon ng issue sa pagitan nila kung walang basehan kahit konti.

Ganito rin kasi nagsimula ‘yung paghihiwalay nina Pops Fernandez at Martin Nievera. Pilit silang nagdi-deny pero sa bandang huli ay lumabas din ang totoo na shaky na nga ang marriage nila at ngayon nga’y annulled na sila.

Wala pang statement ang mag-asawa tungkol dito pero isang source ng Baby Talk ang nagsabi na nag-deny na raw si Ricky dahil sa napabalitang sa kanya nagkaroon ng problema. Well, siguro totoong may problema ang marriage nila. Pero sana naman mapag-usapan nila ito dahil kino-consider pa naman silang ideal couple sa showbiz.
*****
As expected, maaga pa lang ay pila na ang mga fans ni Gary Valenciano sa Araneta Coliseum kagabi para sa kanyang first night Radical concert. Ngayong gabi ang second night ni Gary. May ilang hindi nakapasok dahil sa rami ng tao. Matagal din kasing hindi nagkaroon ng ganito kalaking concert si Mr. Pure Energy kaya halos lahat ay gusto siyang panoorin. One of a kind ang Radical. Totoong maraming ginawa si Gary na hindi niya ginawa sa mga nauna niyang concert. Maraming special digital effects. Ang mga lights and laser ay naka-program sa computer.

Ngayon ang last night ni Gary at inaasahang mas marami ang manonood kahit sabihin pang kasabay ng free concert ni Pops Fernandez, Shindig 2 sa ULTRA.

But did you know na sa ULTRA ang original venue ng concert ni Gary? Supposedly ay sa football stadium siya ng ULTRA, pero nang ma-discover nilang doon din ang venue ni Pops, nag-decide agad sila na mag-Araneta. Natatawa si Gary habang nagkukuwento ng tungkol dito. Parang hindi siya makapaniwala na ang matagal nilang pinaghandaang concert ay may katapat na free concert. Hindi siya afraid na makatapat si Pops. Nanghihinayang lang siya dahil bihirang magkaroon ng ganito kalaking concert, magtatapat pa.

Anyway, ito ang unang pagkakataon na ang GMA Network joins forces with Genesis Entertainment to bring this event on stage. "GMA has evolved to be more than just a TV station," shares Butch Jimenez, producer para sa GMA. "We are already tops in TV, radio, movies and now we’re ready to show you want we can do in the concert scene. Hindi nagdalawang isip si Mr. Jimenez na maging co-producer ng nasabing concert.

"Gary stands for everyting GMA embodies today," he adds. "He is dynamic, world class, youthful, multi-talented and most important of all, he’s got a message to share.
*****
Si Sunshine Dizon ngayon ang kino-consider na hot property ng GMA. Lahat ng bagay na makakatulong sa career niya, ibinigay ng GMA. Pruweba dito ang Tuwing Kapiling Ka, ang pinaka-latest na mini-series ng GMA na magiging kapalit ng Munting Anghel. Makaka-partner niya rito si Dingdong Dantes na dating ka-loveteam ng rival niyang si Antoinette Taus.

Sign na rin ito na tuluyan ng bubuwagin ang loveteam nila ni Polo Ravales at ni Dingdong with Antoinette although sinasabi ni Sunshine na walang jealousy between her and Antoinette. "Ibang tao lang naman ang nang-iintriga sa amin," she reacts sa presscon-cum-launching ng nasabing programa over merienda sa Annabels. Hindi siya kontrabida sa Tuwing Kapiling Ka. "At least bida ako rito. Si Krista (Ranillo) ang kontrabida rito," she informs. Naging very familiar kasi si Sunshine sa mga televiewers sa kanyang kontrabida role sa Umulan at Umaraw with Angelika dela Cruz.

Isang simpleng love story ang Tuwing Kapiling Ka. Kinunan ang mga eksena sa Baguio under the direction of Maryo J. delos Reyes. Magsisimula na itong mapanood sa Dec. 4, Monday over GMA.

CEBU

CONCERT

NIYA

PERO

TUWING KAPILING KA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with