^

PSN Showbiz

DERETSAHAN - Halos burado na ang bold star image

-

May isang taon ding hindi ko nakakapanayam si Toffee Calma mula nang magdesisyon siyang pasukin ang teatro at kalimutan sumandali ang bold films na nagpatanyag sa kanya nitong late 90s.

Ibang klase nang magsalita si Toffee ngayon bilang legitimate stage actor. Sa Glorietta, noong nakaraang Miyerkules, sabi niya, "Masaya na ako ngayon kahit papa’no, kasi, there are some stage actors and actresses who recognize my talent as a stage actor. Recognition among co-performers is important lalo na kung galing sa mga matatagal at kilala nang stage professionals. If you are recognized as one of them, that’s something na. May ibubuga ka na. Hindi ka na bobong umarte."

Pero sa pelikula man, noon, maituturing ba siya na bobong umarte? "Kasi, di ba, ang iniisip ng marami sa mga bold stars and actors, hindi marunong umarte, ang alam lang, magpakita ng katawan?"

Ayon kay Toffee, sa mga unang taon niya sa entablado, gumagawa pa siya ng mga pelikula gaya ng Masikip, Masakit, Mahapdi at Divino, Anak ni Totoy Mola. Pero bago matapos ang 1998, nabuo na sa utak niya na alisin ang image niya bilang sexy star. "Ang hirap sa isang sexy actor na i-prove ang sarili niya bilang mahusay na aktor, hindi gaya ng mga bold actresses na napapatunayan na, sa kanila ng pagpapa-sexy o paghuhubad, ay magagaling silang artista, gaya ni Ana Capri na nanalo bilang best actress sa Cinemanila International Film Festival.

"Kasama ko sa hangarin kong magbago ng image ang manager ko (Lyn Tamayo) at pinag-audition niya ako sa CCP scholarship for one theater season and luckily, isa ako sa napiling scholar. Lalo akong nagka-interes na ipagpatuloy ang stage acting and eventually, mabura na ang sexy image. Nag-concentrate na ako sa theater pagkatapos."

Nagkataon noon na kasama ni Toffee mismo ang manager niya na mukhang bata pa at maganda. Dating dancer ni Beth Bichara si Lyn at ngayon ay pinuno ng LGT Entertainment Media. Sinasagot niya ang pagpapa-repake kay Toffee bilang aktor. Sabi ni Lyn, "Hindi talaga ako nagma-manage ng sexy stars, kaya we have to repackage Toffee. Tinanong ko nga muna siya, if he is willing to sacrifice. And in order to change his image, he must first lie low in the movies. Then, he must concentrate on stage to hone his acting talents. Kasi, Toffee keeps saying then, he wants to gain respect of movie industry people. Tinanong ko rin siya if he is willing so starve, kasi nga, sa stage, he will earn less than he gets in the movies. Pumayag siya sa tatlong conditions that’s why we took him in. We liked his determination in reinventing himself, the kind of actor he wants himself to be."

Dagdag pa ni Lyn, "Toffee was at his peak in making bold films then but it was also his choice to go on serious acting. There’s more money in making movies than appearing on stage and I’ll be a hypocrite pag sinabi kong hindi ko kailangan ng pera. But when I see an artist who is determined to make it as a good actor, I will support him all the way even if money becomes a secondary option."

Bukod kay Toffee, kabilang sina KC Montero at Carla Guevarra sa iba pang talents ni Lyn Tamayo. Iba ang disiplina na natuklasan ni Toffee sa bago niyang mundo. "Nung lumalabas pa ako sa pelikula noon, wala akong pakialam kung hindi kumita lang. I was after quantity then, hindi quality ng ginagawa kong pelikula. Ni wala akong pakialam kung maganda yung pelikula o kung sino pa ang kasama ko.

"But then, in everyday life, nagbabago ang perception natin. Naisip ko, nandito na rin lang ako sa business na ito, I might as well make the best out of it," sabi ng 23-anyos na aktor.

Gustong linawin ni Toffee na hindi niya iniiwan nang tuluyan ang pelikula komo’t nahahalina siya sa stage ngayon. Kung gusto niyang magbalik sa pelikula kahit anong panahon, mas nakakatiyak siya ngayon na armadong-armado na siya sa larangan ng pagganap. Ang totoo, tumatanggap siya ng TV guestings at marami ang nagugulat ngayon sa mas malalim at makabuluhan niyang pagganap. "Mas gusto ko yung sasabihin sa akin ng producer na, "O hayan, magaling na artista ‘yan, ipasok na yan!’ Dati kasi, sasabihin ng produ, ‘Puwede na ‘yan, maghubad na ‘yan!’."

Ang tunay na pangalan ni Toffee ay Lester Jonathan Calma. Nickname lang ang "Toffee". Kasi, masyado raw mahaba yung pangalan niya. Kung paano naging "Toffee", hindi niya alam. Taga-Pampanga ang aktor at ngayong Paskong ito, kasama niya ang Mommy niya sa bahay nila sa probinsiya. Ang tatay niya ay may business sa Seoul, Korea. "Importante para sa akin ang maipagmalaki ako ng magulang ko. Hindi yung maririnig nila sa ibang tao, ‘Yang anak mo, bold star yan!’ Gusto ko, yung marinig nilang ‘Yang anak mo, magaling yang artista!’"

Medyo mataas ang pangarap ni Toffee na maabot bilang aktor. Gaya ni Christopher de Leon kaya? "Gusto ko, more than that pa, kung makakaya ko, why not?" pagmamalaki niya.

Marahil ay tantyado naman ni Toffee ang kakayahan niya. Dahil nitong huli, tinanggap niya ang papel ng pangunahing tauhan ng stageplay, Hamlet, sa malalim na Tagalog adaptation ng namayapang si Rolando Tinio mula sa dula ni William Shakespeare.

"This is the most challenging role on stage I have to tackle so far," sabi ni Toffee. "The play started on November 26 hanggang December. Watch how I perform as Hamlet. It is my most memorable play since I did, Moises, Moises last year. Ang hirap ng katauhan ni Hamlet. In a matter of seconds nagsi-shift ang karakter niya. May time na sira ang ulo niya, may time na mabait siya, at may time na puro anger ang nasa dibdib niya."
Marvin, pagkatapos ni Spencer, kay Rico naman iniintriga
Patuloy pa ring iniintriga ang sexuality ng matinee idol na si Marvin Agustin.

Matapos ngang matsismis sa kapwa aktor na si Spencer Reyes, natsismis naman siya ngayon kay Rico Yan. At ang tsika pa, nahuli raw silang dalawa minsan na may ginagawang ‘milagro’ sa isang CR ng Channel 2.Very malicious nga ang nasabing intriga, pero hindi na rin nahiyang itanong ito kay Marvin para mabigyan linaw ito for once and for all. After all, hindi talaga maganda ang nasabing isyu.

"Kaming dalawa raw ni Rico? May ginagawa raw kaming milagro?" ang gulat na gulat na balik-tanong pa ni Marvin.

"Ewan ko kung dapat ko pa bang patulan ’yan. Para kasing ikaw din ang lalabas na mali kung papatulan mo pa. In the first place, hindi naman totoo. Kaya ang feeling ko lang, there’s really no reason to give any explanation or whatever.

"Kilala namin ang aming mga sarili. Mas alam namin kung ano kami. At siguro kung makita man kami ni Rico na magkasama sa CR, wala naman sigurong masama dahil pareho kaming lalake, ’di ba?

"Magtataka siguro sila kung ang kasama ko sa CR, eh babae. Dahil ang mga CR sa ABS-CBN, separate ang sa lalake at sa babae. ’Yon siguro ang ’di maganda!" nasambit pa niya. Hindi nga lang si Marvin among male stars ang nagiging biktima ng mga ganitong pagdududa sa kanilang kasarian. And honestly, ano nga ba ang feeling na mabenta rin siya sa ganitong mga akusasyon?

"Sabi ko nga, mas kilala ko ang sarili ko. And I guess, I have nothing to prove pa para sabihing lalake nga ako. Enough na ang sabihin kong malaki ang tiwala ko sa sarili ko na lalake ako." — Robert Perez

KUNG

MARVIN

NIYA

SIYA

TOFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with