^

PSN Showbiz

Negatibo ang commentaries

-
Marami akong nababasang mga artikulo sa pahayagan at marami ring katanungan ang mga komentarista sa radyo at telebisyon tungkol sa kapasidad ng mga artista upang pumasok sa larangan ng pulitika at public service. Kadalasan ang mga commentaries or opinions ay negatibo na para bang ang mga artista ay walang qualification kundi ang kanilang popularity bilang public figures kaya sila nahahalal sa puwesto. Tuloy naiisip ko na baka ang mga paratang kay Erap ay bunga lang ng prejudice ng ilang group sa ating lipunan na hindi talaga matanggap ang isang artista bilang Pangulo ng Pilipinas.

Ang mga traditional politicians ang tingin umano sa mga artista ay bilang dekorasyon ng kampanya, taga-siguro ng mass participation, pakanta-kanta, pasayaw-sayaw para makahimok ng boto–mga bayarang atraksyon na hindi na sineseryoso hanggang sa muling kampanya. Pero napapansin ba ninyo na sa bawat sinasabing political families ay may mga miyembro na showbiz-inclined? Ang mga Marcos ay may Imee Marcos na may Borgy Manotoc at isang Aimee Marcos pa rin yata ang binabalak pasukin ang showbis. Ang mga Cojuangco bukod kay Kris Aquino na talaga namang galing sa lahi ng mga showbis Aquino (Butz at Lupita) ay may Mikee pa na asawa ni Dodot na anak ni Sonny Jaworski na isang sports star na naging artista rin sa pelikula at son-in-law ni Ramon Revilla, Sr. May Mikey Arroyo ang pamilya ni Vice President GMA. Si President Ramos ay anak si Jo Ramos na isang singer na ex-wife ni Lloyd Samartino.

Ang example ng political power sa Pasay; ang mga kaanak ni Mayor Pablo Cuneta ay masasabing showbiz clan din lalo pa nga ang Sharon branch nito. Si Sharon na balak ilaban bilang mayor ng Pasay ay asawa ni Francis Pangilinan na matagal nang gustong maging isang matagumpay sa politician kaya nga lang ay hindi ito naging successful para maging congressman sa Quezon City na lumalaban kay Sonny Belmonte. Ngayon yata, pagka-senador na ang kanyang target. Mala-showbis din ang pamilya ni Francis kung tutuusin dahil bayaw siya ni Gary Valenciano, hipag niya si Maricel Laxa at asawa nga niya ang megastar.

Lagi rin nababanggit sa mga pahayag tungkol sa mga artistang gustong tumakbong senador, congressman, gobernador o kung ano pa man na wala silang K, na para bang pag artista ay kailangan mo pa ng ibang qualification para mangarap maging isang government official. Ang tingin kasi ng mga tao sa artista ay taga-aliw, na mataas-taas lang ang kalidad sa mga ibang binabayaran sa kanilang trabaho bilang taga-aliw gaya ng mga singers, dancers, magicians, comedians at iba pa.

AIMEE MARCOS

ARTISTA

BORGY MANOTOC

FRANCIS PANGILINAN

GARY VALENCIANO

IMEE MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with