Angelu tamad mag-promote ng movie
November 25, 2000 | 12:00am
Malaki raw ang tampo ni Angelu de Leon sa Viva Films, pati na rin sa Diamond Star na si Maricel Soriano, kung kaya tinatamad ito na mag-promote para sa pinagsasamahan nilang pelikula, ang Abandonada.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit mas pinili na lang ni Angelu ang lumipad ng Amerika at magbakasyon kaysa tumulong sa promosyon ng nasabing pelikula. Mukhang may bahid-katotohanan naman ang intrigang ito dahil kapansin-pansin ang ginawang pang-iisnab ni Angelu sa ginawang press preview at premiere night ng pelikula?
"That’s all untrue," paglilinaw naman kaagad ni Ms. de Leon sa isang interview.
"Wala po akong tampo o sama ng loob sa Viva lalo na kay Ate Maricel. At sa ano namang dahilan?
"Alam po ng Viva ang pag-alis ko ng bansa at naintindihan din naman ito ni Ate Maricel. Hindi ko ’yon sinadya. Kaya nga bumabawi ako ngayon sa promo ngayong ’andito na ako sa ’Pinas.
"Nakakahiya naman kay Ate Maricel. Eh, kung alam n’yo lang kung gaano kalaki ang pasasalamat ko na makasama siya. Isang malaking honor talaga sa akin ang makatrabaho ang isang Maricel Soriano!"
Ayon pa sa balita, nagsimula raw ang hinampo ni Angelu kay Ms. Soriano nang may makarating daw sa kanyang tsika kung saan mas pinapaboran daw ni Maricel si Judy Ann Santos pagdating sa trabaho kumpara sa kanya?
"Ano ba ’yon? Wala akong alam d’yan, ha!" gulat pa niyang reaction.
"Bakit naman pati si Judy Ann nasali sa usapan? Huwag na po tayong mandamay ng ibang tao. Nakakahiya lang. Unang-una na rin, wala naman talagang gano’ng isyu. Kaya please, tigilan na po natin ’yan!
"Huwag na po kaming gawan ng isyu ni Ate Maricel. Nakakahiya po. Sino lang ba ako? Ang kapal ko naman. Ako mismo nanliliit sa sarili ko. Parang ang feeling ko, wala na rin akong mukhang ihaharap pa kay Ate Maricel. Hello!" pakiusap na rin ni Angelu bilang pagwawakas.  Robert Perez

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended