"May mga lalaki pa naman para pumatol ako sa kapwa ko babae" - Maricel
November 25, 2000 | 12:00am
Finally, nagsalita na rin ang Diamond Star na si Maricel Soriano tungkol sa matagal nang kumakalat na usapin na umano’y pakikipagrelasyon niya sa mga tomboy (as in mga babaeng may pusong-lalake).
Nauna na ngang nasulat ang umano’y ‘romansa’ na namagitan sa kanila ng isang lady producer. Pinagkalat pa nga ito ng isang sikat na actress-TV host.
"Ang problema naman kasi sa kanila ay puro sila tsismis at duda pero ’di naman nila mapatunayan. Wala naman silang mailabas na ebidensya para maging kapani-paniwala sila!" simula na rin ni Maricel habang nakataas ang mga kilay.
"Natural lang naman siguro kung maging close ako sa mga kapwa ko babae. At magulat sila, kung puro lalaki ang mga kasama’t katsokaran ko! Ang hirap kasi sa atin, parang hindi mo na alam kung saan ka pa lulugar!
"Makita lang na kasama’t katsikahan mo si ganito, may tsismis na agad. Nakagawa na agad sila ng story. Ang nakakaloka lang, kung hindi sa lalaki, sa babae naman! At tama ba naman ’yon?" pagpapatuloy pa ng bidang aktres ng Abandonada ng Viva Films.
Si Maricel na nga ang nagsasabi na ‘taboo’ para sa kanya ang pumatol sa kauri niya. Sa rami na rin nga naman ng mga lalaking naugnay at nakarelasyon niya, ngayon pa nga raw ba kukuwestiyunin ang kanyang pagka-babae?
"Eh, ako pa ang pagdududahan? May mga lalaki pa naman siguro para mag-resort tayo sa ganyan. Hindi pa naman siguro sila nauubos. Kaya tigilan ako. Ayaw ng mga anak ko!" ang napatiling tugon pa niya.
"Wala rin namang problema sa akin kung isa kang tomboy o bakla. Hindi ako nangunguwestiyon ng gender ng isang tao. Kahit ano ka pa. Actually, sa kanila pa nga malapit ang loob ko.
"Sasabihin ko sa inyo na masaya sila, lalo na ang mga bakla. Masarap silang kasama at katsikahan. Walang dull moments sa kanila. Kaya nga pati ako, nababading na rin! Ha-ha-ha!" at napatawa na rin si Ms. Soriano ng malakas bilang pagtatapos.  RP

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended