Alma, kumakanta pa rin at sumasayaw
November 25, 2000 | 12:00am
Tuwing Miyerkules ng gabi, nagpi-perform si Alma Moreno sa itinayo niyang sing-a-long bar, Another World. Nitong nakaraang Miyerkules pinuntahan ko sa nasabing venue ang aktres para kumustahin at kapanayamin. Ang publicist niya ang sumalubong at unang nakipagkuwentuhan.
"Nagi-enjoy si Ness pag nagpi-perform siya kasama ng Kit-Kats. Anim silang magkakasama, yung mga dati niyang kasamahan pa sa Loveli-Ness noong araw. Siyempre, gusto rin ni Ness na makita ang sarili sa dati niyang ginagawa sa TV show niya noon, kumakanta at sumasayaw."
Lumipas ang ilang minuto, heto at nagsimula na ang show. Pangatlong bilang ang drama ni Alma kasama ang Kit Kats. Medley muna ng mga kantang pinatanyag ng Hagibis ang nirendisyon ng grupo. Sumunod ang kanta ng VST at dito naipapakita ng dating bold queen ang husay niya sa pagsayaw bagaman pag kumakanta siya, meron pa siyang kakulangan sa self-confidence dahil hindi siya maka-concentrate mabuti. Panay ang tingin niya sa mga katabing singers, medyo bumawi lang siya sa kantang "Material Girl" kung saan nagpakitang-gilas siya sa sayaw.
"Itinayo ko itong Another World para makakuha ako ng pondo sa dalawa kong foundation, dental and medical work para sa mga mamamayan ng Parañaque," sabi ng First Lady ng Parañaque. Madame Alma Moreno-Marquez na siya kung tawagin ngayon.
"Nagi-enjoy ako ng pagtulong sa tao, at the same time, gusto ko ring kumanta-kanta at sumayaw-sayaw. Nagso-solo rin akong kumanta minsan, live syempre. Itong sing-a-long bar na ito, one year na ring mahigit. Binuksan ito nung birthday ko, May 25."
Totoo bang kakandidato siya bilang vice mayor sa susunod na eleksiyon? "Hindi totoo yang balitang yan. Tama na sa akin ang tumulong sa kandidatura ng asawa ko. Meron pa siyang isang term. Tama na sa akin ang pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan, lalo na yung mga namamatayan na nangangailangan ng suporta."
Forty-one na si Alma pero mukha pa rin siyang bata. Lalo siyang gumanda at medyo slim ngayon. "Bilang entertainer kasi, syempre, ang figure," sabi niyang nangingiti.
Bagaman nami-miss ni Alma ang pelikula, ayaw muna niyang lumabas sa ngayon. "Ang pinakahuli kong ginawa, yung mother ako ni Jolina sa Hey Babe. Kung maganda ang istorya, bagay sa akin ang role, payag akong lumabas muli. Pero huwag muna ngayon. Siguro pagkatapos na lang ng eleksyon next year."
Sa panahon ngayon na parang matamlay ang industriya, merong higit na sumisikdo ang interes na tulungan ito, gaya ng bagong tatag na Royal Crown Productions na pag-aari ni Ms. Ian Valdez.
"Ang plano ko, magsimula muna sa isang telesine, drama muna, comedy-horror pagkatapos. Gusto ko munang pag-aralan ang lahat, producing and directing before venturing into the movies," sabi ni Ian sa Gigolo gay bar noong Huwebes.
Ang unang telesine ng Royal Crown ay ang Pusong Babae at si Ian mismo ang bida, kasama niya sina Juan Carlos Castro, Celia Rodriguez at Ana Capri. Kuwento ng isang bading na nagtagumpay sa buhay hanggang umibig at maunsiyami.
"It is a simple but beautiful story created and directed by Pablo S. Gomez na ang lesson, once na mawala ang love affair ng isang bading sa isang lalake, wag tayong mawalan ng pag-asa, kailangan, maging fighter tayo," buong ningning na sabi ni Ian.
May ilang bahagi ng istorya na kinuha mismo sa buhay ni Ian. Gaya ng lonely childhood niya dahil success story ito. "Nang mamatay ang father kong pure Chinese, six years old lang ako. Nakitira kami ng nanay ko sa isang uncle. Kulang ako sa fatherly love at wala akong brother, siguro yung pananabik na yon, that’s why I became gay. Ewan ko, hindi ko alam. But my mother loves me so much. Tinanggap niya ang pagka-gay ko."
Bata pa ay hilig na talaga ni Ian ang mag-artista. Pagtuntong ng first year high school sa Quiapo Anglo Chinese School, agad siyang sumali sa Miss Gay Philippines noong 1986 na pinagwagian niya. Naging mainstay siya sa Goin’ Bananas at ipinakilala sa Engkantadang Kangkarot na pinagbidahan ni Roderick Paulate.
Nagtayo ng Showgirls Entertainment si Ian matapos magkaroon ng pagkakataon na makapag-perform sa Japan. Bukod sa pagpapadala ng gay and female talents sa Japan, costume designer siya sa nasabing bansa. Halos lahat ng agencies sa Japan ay serbisyo niya ang gusto, maganda na ay mura pa. Dahil sa trabahong ito ay nagkaroon nga siya ng investments, bahay at lupa, apat na kotse at isang production company.
"Gusto ko talagang makatulong din sa mga nangangailangan at maging inspiration sa lahat ng mga gays," pahayag niya. "But first and foremost, it’s my love for the arts ang dahilan kung bakit ako nasa entertainment. I love art. I am an artist!" huli niyang pahayag.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended