^

PSN Showbiz

Charlene, wala pang wedding dress

-
Tiyak na maraming magagalit kay Edu Manzano oras na mapanood nila ang Abandonada. Masamang asawa ni Maricel Soriano ang role ni Edu sa pelikula.

Kelan lang ay kontrabida rin siya sa Minsan Ko Lang Sasabihin starring Bong Revilla Jr. & Judy Ann Santos.

Maraming beses na siyang naging kontrabida - action, drama and comedy films. Pero siyempre alam ng mga taong nakakakilala sa kanya na in real-life, mabuting tao si Edu. Pinatutunayan lang niya sa lahat ng ginagawa niyang pelikula na isa siyang tunay na aktor. May mga pagkakataon na rin namang naging bida siya. Pero okey pa rin sa kanyang maging kontrabida. "Wala namang problema sa akin pagdating sa role sa pelikula. Kailangang magtrabaho eh," he says after the preview of Abandonada.
*****
Speaking of Edu, kahit former husband and wife sila ni Maricel Soriano, hindi nagkakaroon ng issue everytime na gagawa sila ng movie, ng reconciliation issue na kabaliktaran kina Dina Bonnevie and Vic Sotto (Bakit Ba Ganyan Darling).

Pagkatapos ng separation between Edu and Maricel, pang-lima na ang Abandonada sa ginawa nilang pelikula, pero never talagang naging issue ang tungkol sa pagbabalikan nila.

Sa kaso nina Vic at Dina, the later admits na dumating ang pagkakataon na muntik na talaga silang magsama uli dahil sa kanilang dalawang anak – Danica and Oyo Boy. Ngayon lang ito sinabi ni Dina. There was a time pa raw na naka-ready na sila para magbakasyon sa US, silang mag-anak, pero last minute ay nag-back out si Vic. "Lagi kasing sinasabi ng mga bata na ‘ma bakit hindi na lang uli kayo magsama ni papa.’ Although pinapaliwanag namin sa kanila na hindi na puwede, eh alam mo naman ang mga anak hoping sila dahil wala silang nakikitang naging commitment sa amin ngayon. Diyos na lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa amin ni Vic," she says sa presscon ng Bakit Ba Ganyan Darling.

Sa kabila ng mga sinabi ni Dina, sinasabi rin naman niya na she’s ready to fall in love again. But she emphasizes na mas magiging careful na siya this time dahil sa naging experience niya sa dalawang pag-ibig.

May balitang may bagong businessman bf si Dina pero walang confirmation tungkol dito.

At kung ang pag-uusapan naman ay ang rivalry nila ni Kris Aquino as TV host, ayaw mag-comment ni Dina. "Ayoko ng comparison especially sa amin ni Kris," she simply says.

Matagal na silang pinagtatapat ni Kris Aquino kahit mas ahead ng 30 minutes napapanood ang D Day! niya sa Channel 7.

At any rate, sabay magbubukas sa mga sinehan ang Abandonada at Bakit Ba Ganyan Darling sa Wednesday, November 29. Inaasahang parehong kikita ang pelikula. Lahat kasi ng pelikulang Tagalog na ipinalalabas lately ay kumikita. Most probably panonood na lang ng sine ang ginagawang libangan ng mga kababayan natin na naghihintay sa magiging resulta ng impeachment ni Erap sa senado.

Sa kabila ng problemang pang-pulitikal at ekonomiya, ito na nga yata ang panahon na unti-unti nang nakakabangon ang industriya ng pelikulang Tagalog.
*****
Tuloy na ang bagong programa ni Jolina Magdangal sa ABS-CBN bilang kapalit ng Labs Ko Si Babe. Ariba! Ariba! ang title ng nasabing new show. Ayon sa isang ABS-CBN insider, natagalan bago na-approve ang nasabing programa dahil sa cost cutting ng ABS-CBN.
*****
Maging si Diether Ocampo pala ay naka-on noon ni Carmina Villaroel bago nabalitang preggy ang aktres at tuluyang umalis ng bansa. Ayon sa isang source ng Baby Talk na kapitbahay ng aktres sa Pasig, nakikita nilang sinusundo sa gate ng Valle Verde ng driver ni Carmina si Diether. Pero sandali lang daw ang naging relasyon ng dalawa dahil pumasok na sa eksena si Bobby Yan and then Zoren Legaspi.

Ito ang unang pagkakataon na nakumpirma ang tungkol sa Carmina-Diether affair. May mga bali-balita na noon pero walang confirmation sa kanila.
*****
Hindi pala nagtatagal ang driver kina Rica Peralejo. Ang rason: masama raw ang ugali ng actress at ng kanyang ina. "Kasi raw akala mo kung sino ang mag-inang ‘yan eh, kaya papalit-palit sila ng driver," the source says.

Hot item si Rica sa kasalukuyan dahil sa iba’t-ibang intriga. Pero nabawasan ‘yun ng konti nang magbigay ng statement si Robin Padilla na gusto niyang makasama ang actress sa pelikula.
*****
May dress na gagamitin na ang mother ni Aga Muhlach na si Anita sa wedding nina Aga at Charlene Gonzales next year. Samantalang ang bride ay wala pang napipiling designer para sa kanyang wedding dress. Nabili raw ni Anita ang damit sa abroad kung saan kasama siya ni Aga for one month nang mag-concert tour ang actor sa US.
*****
salve v. asis - e-mail: [email protected] / [email protected]

vuukle comment

ABANDONADA

BAKIT BA GANYAN DARLING

CENTER

DINA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with