^

PSN Showbiz

Ana & Nini parang totoong prostie

-
Eto umano ang hatol ng madla. Ang Arayyy! para sa mga macho, at ang Gusto Ko Nang Lumigaya ay para sa mga bading. Bagay na bagay daw sina Ana Capri at Nini Jacinto sa kanilang mga roles na student prostie sa university belt. Pero si Pops Fernandez, hindi bagay sa kanyang papel na guidance counselor ng isang university na sexually frustrated, may asawang bading pero ayaw pabuking na ubod ng sama ng ugali.

Simple lang ang ambisyon nina Ana at Nini, gusto nilang makatapos ng pag-aaral pero wala silang perang pang-tuition kaya napilitan silang mag-sideline para kumita. Halos pareho ang problema ni Ana at Nini kaya lang magkaiba ang pananaw nila sa buhay. Tanggap na tanggap na ni Ana ang kanyang kapalaran–prostie siya dahil bukod sa pag-aaral ay may sinusustentuhan pa siyang lola na may sakit. Siya yung praktikal na babae, matapang at matalino pero sobra sigurong malas, dahil siya pa itong may kinakasamang call boy at siya pa itong mabubuntis na hindi tiyak kung sino ang ama ng bata na kanyang ipalalaglag sa bandang huli.

Malas din si Nini dahil napatay sa hold-up ang kanyang taxi driver na ama, nagkasakit ang kanyang inang mananahi, may kapatid siyang batugan at siya ay isang mahinhing waitress na nagsisikap na makatapos ng college. May masugid siyang manliligaw pero kukulo-kulo rin ang tiyan. May iba pang student prostie sa Arayyy! pero pang-dekorasyon lang. Supporting din ang dating ni Rodel Velayo at Leonardo Litton who plays the role of the sincere lover and call boy, respectively.

Pero sinuwerte si Nini sa bandang huli dahil nakatagpo siya ng isang sugar daddy na tunay na nagmamahal sa kanya at ibinahay siya. Yun nga lang, may asawa na si Simon Ibarra at natunton sila. Namatay si Simon sa aksidente nang mag-away ang mag-asawa. Kaya balik uli sa kanyang ina si Nini at nagsumikap ng pag-aaral upang makahanap ng mas matinong trabaho at iwanan na ng tuluyan ang pagpo-prostie.

Si Ana naman na talagang mas inaatupag yata ang sideline kaysa pag-aaral ay iniwan ng kanyang call boy lover na si Leonardo nang ipalaglag ang ipinagbubuntis niya. Ang akala ni Leonardo ay kanyang anak iyon. Iniwanan din si Ana ng kanyang regular sponsor. Ang istoryang ito ay gasgas na sa pelikuang Tagalog pero okey na rin bilang isang Seiko movie dahil hindi naman malaswa kahit bold at maraming sex scenes.

Matino ang pagkakasalaysay ng pelikula at kahit hindi bago o orihinal ang kuwento, okey naman ang akting ng dalawang bidang babae at kapani-paniwala sila sa kanilang papel. Mahusay in the sense na tama sa motivation at resolution ang mga karakter nilang ginagampanan, walang mga out of this world na mga eksena. Hindi naman ito pang-award na pelikula, pero talagang pang-Seiko crowd. Natapatan nina Don Escudero bilang direktor at ni Joey Reyes na siyang writer ang lahat ng pangangailangan ng isang maayos at entertaining film. Malaking improvement nga ito kung ihahambing sa mga malalaswang Seiko movies tulad ng Talong, at kung anu-ano pang mga kahalayan tulad ng Pinya atbp.
*****
Email: [email protected]

vuukle comment

ANA CAPRI

ARAYYY

KANYANG

NINI

PERO

SEIKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with