Hindi mag-kumpare kundi mag-ninang sina Winnie at Oca
November 16, 2000 | 12:00am
Nakatutuwang malaman na hindi magkumpare o mag-kumare kaya ang dalawang mahuhusay na host ng programa ng GMA na Debate With Mare & Pare na sina Oscar Orbos at Winnie Monsod. Mag-ninang ang kanilang relasyon, unang anak sa kasal ng magaling na academician ang napaka-popular na dating gobernador. Itinuturing nga ni Mareng Winnie na traumatic ang pag-anak niya kay Pareng Oca sa kasal sapagkat nangahulugan ito na naging isang matrona na siya. Kung dati-rati ay pambinyag lang ang kanyang beauty, ngayon ay pang-kasal na siya.
Magdiriwang ng kanilang second anniversary ang malaganap nilang programang Debate With Mare and Pare na nabigyan ng CMMA Best Talk Show at Star Awards Best Public Affairs Program. Ibig sabihin dalawang taon nang napapanood ang programa na tinulungan ni Pangulong ERAP na maitaas ang ratings nang tumawag ito sa programa para personal na pagalitan ang kanyang mga detractors. Ang nasabing episode ay na-cite ng Newsweek.
Bilib ako sa dalawang host na nagbibigay ng kanilang stand sa mga tinatalakay na paksa sa hulihan ng bawat episode. Hanga ako sa tapang ng Mareng Winnie at napaka-gentlemanly naman ng dating ng mga pagbibigay ng kuru-kuro at opinyon ni Pareng Oca.
Lalong nadagdagan ang aking paghanga nang personal kong ma-meet ang dalawang host sa isang very casual lunch kamakailan lang. Hindi lamang isang mahusay na kausap si Mareng Winnie, masaya rin siyang kahuntahan. Very frank at diretso sa kanyang mga binibitiwang pangungusap. She admits na nun pang 1987 siya nililigawan para tumakbo sa Senate pero hanggang sa ngayon ay wala pa siyang nagagawang pasya.
"Mayro’n na bang nagsabing tatakbo sila, hindi ba, wala pa?" bungad niya.
Enjoy siya sa kanyang celebrity status ngayon bagaman at hindi pa siya sanay na pinagtitinginan at pinagbubulungan kapag pumunta siya sa mga pampublikong lugar. "Dati, ako rin napapalingon kapag may celebrity tapos, ako pala yung pinagtitinginan nila," kwento niya. She enjoys the perks that go with her new status gaya ng mga magagandang damit, pero iba ang ayos niya kapag nagtuturo sa UP, saying that "Baka masira ang credibility ko kapag dumating ako sa iskwela na naka-make-up at naka-couture dress," amin niya.
She admits being paid more by endorsing a detergent than by hosting Debate pero ang bayad niya sa paglabas sa TV at pagtuturo sa UP ay itinuturing niyang mga psychic income, hindi man sapat pero nagbibigay kasiyahan sa kanya.
Cool na cool pa rin si Pareng Oca sa harap ng media.
Ayaw pa niyang magsabi kung muli siyang lalahok sa pulitika pero tanggap na niya na kinakailangan niyang iwan ang Debate kung sakali man. "Wala namang permanenteng bagay sa mundo. Lahat nagbabago. Establisado na ang Debate, sino man ang mag-host dito ay tatanggapin pa rin ng mga manonood," sabi niya which I beg to disagree. I firmly believe na sila ang pinaka-malakas na factors ng programa. Ang pag-alis nila dito ay isang malaking kawalan sa programa.
Ang Debate with Mare and Pare ay mapapanood tuwing Huwebes, 11:00 n.g. sa GMA.
Si Renz Verano naman ang star sa konsyerto na itataguyod ng Genross Records & Productions Co. para sa kapakinabangan ng Youth Care Foundation o YCF sa Nob. 18, Sabado, 8:00 n.g. sa Ultra.
Makakasama sa show sina Mae Rivera at Maha Band, Marc Velasco, Cindy Bhem Rosas, Marj Zaraspe, John Lozada, Kathleen Joy, Solitaire at Elbow Sun.
Makakabili ng tiket sa Genross Records, 2/Flr. Cecileville Bldg., 1203 Quezon Ave., 3724575-76 at SM ticketnet 9115555.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended