Rica, nakikigulo sa Pops-Tonton affair ?
November 16, 2000 | 12:00am
How true ang balitang karibal ngayon ni Pops Fernandez si Rica Peralejo kay Tonton Manlongat?
Ayon sa source ng Baby Talk, akala nila, split na sila Pops at Tonton (naging controversial dahil sa carnapping issue at umano’y member ng Valle Verde Boys) kaya nang malaman nila ‘yung tungkol sa kanila ni Rica ay okey lang. Pero na-discover nilang very much on pa pala ang singer/actress at si Tonton.
"Baka naman nakikigulo lang si Rica," comment ng isa pang source ng Baby Talk na nagsabing hindi naman talaga nakikipag-date si Rica kay Dingdong Dantes.
Lately ay hot item si Rica dahil sa iba’t ibang issue tungkol sa kanya - ‘yung pagkawala niya sa ABS-CBN Channel 2 dahil kahit sinabi ng Talent Center na hindi siya puwedeng mag-appear sa kahit anong show with Fernando Carrillo nang dumating sa bansa ay hindi niya sinunod na naging basehan para i-terminate ang contract niya kaya balik GMA at Viva TV siya.
Ang tungkol sa away nila ni Antoinette Taus dahil kay Dingdong. Ang pagpapa-retoke niya ng boobs. Ang tungkol sa kanila ni Bojo Molina na kaya umano sila nag-split ay dahil sa third party.
Parang malabong magkabalikan sina Dina Bonnevie at Vic Sotto. Sa presscon para sa movie nilang Bakit Ba Ganyan, kung saan nag-reunite sila, lumabas ang anggulong puwede silang mag-reconcile in favor of their kids - Danica and Miko.
"Alam naman nating lahat na si Dina lang ang pinakasalan ko at kahit anong mangyari, mananatili pa rin siyang bahagi ng buhay ko dahil siya ang ina ng mga anak ko," sabi ni Vic.
Sa part naman ni Dina, ganoon din ang sinasabi niya. "Kahit may pinakasalan akong iba, tulad ng sinabi niya, iba pa rin ‘yung set-up namin dahil iba talaga ang una. Actually ngayon mas madalas kaming mag-usap dahil lumalaki na ang mga bata. Konting problema lang, tawag agad ako sa kanya. Saka kahit alam niyang hiwalay na kami, lagi siyang nandiyan pag may problema ako.
"At kahit anong mangyari, Diyos pa rin ang nakakaalam kung ano nga ang mangyayari sa amin. Kung kami talaga in the end, mas okey," Dina explains.
Pero may ilang kumukontra sa sinasabi nila. "Siguro mas okey kung sasabihin nila ‘yung totoo. Kasi kung magkakabalikan sila, dapat noon pa. Bakit ngayon lang nila sinasabi ‘yan," comment ng katabi kung reporter. Common knowledge raw kasi na may idi-date namang non-showbiz businessman si Dina at ganoon din si Vic.
Anyway, mabilis ang ligawan nila noon. In fact, kasalan agad - sa isang judge sa Cavite at makalipas ang ilang panahon ay nagpakasal uli sila sa isang simpleng seremonya sa simbahan. Pero hindi inaasahan na pagkatapos nilang magkaroon ng dalawang anak ay maghihiwalay sila nang tuluyan.
Nakakuha sila ng annulment at nagkanya-kanya sila ng buhay. Si Vic ay kung kani-kanino na-link samantalang si Dina ay nagpakasal sa iba pero hindi nagtagal ay nakipag-hiwalay din.
Sa kabila ng mga nangyari sa kanila, nanatili silang magkaibigan. Kaya naman sa shooting ng kanilang pelikula, Bakit Ba Ganyan, smooth ang naging trabaho nila. In fact, pumayag pa nga si Dina sa lovescene nila ni Vic.
Naka-P 6 M sa first day ang Kahit Isang Saglit nina Judy Ann Santos, Piolo Pascual and Leandro Muñoz. Hindi inaasahan ng Star Cinema na ganito kalaki ang kikitain ng pelikula dahil lately ay matamlay ang pelikulang Tagalog.
Kasabay na nagbukas sa mga sinehan kahapon ng Kahit Isang Saglit ang Eskort ni Trovador Ramos Jr. Ayon kay Chit Ramos, hindi nila inaasahan na kikita rin ito ng malaki. Sa katunayan plano nilang magbigay ng victory party. Kunsabagay bihira na kasi ang hard action film ngayon. Halos lahat ng action star natin ay unti-unti nang nag-iiba ng forte. Si Bong Revilla, gumagawa na ng light comedy film. Si Phillip Salvador naman ay bihira nang mapanood sa pelikula dahil sa kanyang Verano. Tanging si Lito Lapid na lang ang napapanood sa hard action films na nagkataon namang kasama ni Trovador sa Eskort kaya malakas ang response ng mga moviegoers.
May bagong iidolohin ang mga mahihilig sa love songs. Ang London-based singer na si Fredric Herrera ay nagbalik sa bansa para i-launch ang kanyang first solo album na karamihan sa songs ay siya ang nag-compose.
Matagal nang pangarap ni Fredric na maging isang singer. Bata pa siya nu’ng una siyang sumali sa isang amateur singing contest. Kinanta niya ang hit song ni Michael Jackson na "She’s Out of My Life." Mga seven years old pa lang siya that time.
Siguro nga, nakatakda talaga siyang maging singer. Nagwagi siya sa "Tagisan ng Talino," isang songwriting contest na ginawa sa St. Louis University. Unang sali niya lang yun sa isang contest pero pinalad siyang magwagi. Pagkatapos noon ay hindi na niya naisip mag-join ng iba pang contest.
Kahit na kumuha siya ng kursong Psychology bilang paghahanda sa pagkuha niya ng Medisina, hindi pa rin nawaglit sa isip ni Fredric ang pagkanta. Sumunod sa London si Fredric para makasama ang kanyang pamilya. At doon nakapag-aral ng professional acting course at sa pagbalik niya sa Pilipinas ay nag-join siya sa Repertory Philippines hanggang nakalabas siya sa mga musicales tulad ng My Fair Lady. Ngayon ay sinubok naman niya ang mag-produce ng album.
Siya mismo ang namili ng mga songs na included sa self-titled album niya mula sa GoldenFox Productions (released thru Ivory Records).
"Ako mismo ang nag-asikaso sa lahat ng aspeto ng recording. Gusto ko na ako ang may artistic control para mailabas ko lahat ng aking ideas," he says sa presscon-cum-launching ng kanyang debut album.
Bukod sa Ako Na Lamang Ang Lalayo na carrier single niya, tampok din sa album ang iba pang compositions ni Fredric, kabilang ang isang revival. Gusto ni Fredric na sa pamamagitan ng kanyang mga awitin ay makilala siya ng mga Pinoy na mahiligin sa musika.
Bagama’t matagal din siyang tumira sa London, nanatili naman ang pagiging Pilipino ni Fredric sa isip, sa salita at sa gawa. Pruweba ang mga awitin niya sa kanyang album.
Ayon sa source ng Baby Talk, akala nila, split na sila Pops at Tonton (naging controversial dahil sa carnapping issue at umano’y member ng Valle Verde Boys) kaya nang malaman nila ‘yung tungkol sa kanila ni Rica ay okey lang. Pero na-discover nilang very much on pa pala ang singer/actress at si Tonton.
"Baka naman nakikigulo lang si Rica," comment ng isa pang source ng Baby Talk na nagsabing hindi naman talaga nakikipag-date si Rica kay Dingdong Dantes.
Lately ay hot item si Rica dahil sa iba’t ibang issue tungkol sa kanya - ‘yung pagkawala niya sa ABS-CBN Channel 2 dahil kahit sinabi ng Talent Center na hindi siya puwedeng mag-appear sa kahit anong show with Fernando Carrillo nang dumating sa bansa ay hindi niya sinunod na naging basehan para i-terminate ang contract niya kaya balik GMA at Viva TV siya.
Ang tungkol sa away nila ni Antoinette Taus dahil kay Dingdong. Ang pagpapa-retoke niya ng boobs. Ang tungkol sa kanila ni Bojo Molina na kaya umano sila nag-split ay dahil sa third party.
"Alam naman nating lahat na si Dina lang ang pinakasalan ko at kahit anong mangyari, mananatili pa rin siyang bahagi ng buhay ko dahil siya ang ina ng mga anak ko," sabi ni Vic.
Sa part naman ni Dina, ganoon din ang sinasabi niya. "Kahit may pinakasalan akong iba, tulad ng sinabi niya, iba pa rin ‘yung set-up namin dahil iba talaga ang una. Actually ngayon mas madalas kaming mag-usap dahil lumalaki na ang mga bata. Konting problema lang, tawag agad ako sa kanya. Saka kahit alam niyang hiwalay na kami, lagi siyang nandiyan pag may problema ako.
"At kahit anong mangyari, Diyos pa rin ang nakakaalam kung ano nga ang mangyayari sa amin. Kung kami talaga in the end, mas okey," Dina explains.
Pero may ilang kumukontra sa sinasabi nila. "Siguro mas okey kung sasabihin nila ‘yung totoo. Kasi kung magkakabalikan sila, dapat noon pa. Bakit ngayon lang nila sinasabi ‘yan," comment ng katabi kung reporter. Common knowledge raw kasi na may idi-date namang non-showbiz businessman si Dina at ganoon din si Vic.
Anyway, mabilis ang ligawan nila noon. In fact, kasalan agad - sa isang judge sa Cavite at makalipas ang ilang panahon ay nagpakasal uli sila sa isang simpleng seremonya sa simbahan. Pero hindi inaasahan na pagkatapos nilang magkaroon ng dalawang anak ay maghihiwalay sila nang tuluyan.
Nakakuha sila ng annulment at nagkanya-kanya sila ng buhay. Si Vic ay kung kani-kanino na-link samantalang si Dina ay nagpakasal sa iba pero hindi nagtagal ay nakipag-hiwalay din.
Sa kabila ng mga nangyari sa kanila, nanatili silang magkaibigan. Kaya naman sa shooting ng kanilang pelikula, Bakit Ba Ganyan, smooth ang naging trabaho nila. In fact, pumayag pa nga si Dina sa lovescene nila ni Vic.
Kasabay na nagbukas sa mga sinehan kahapon ng Kahit Isang Saglit ang Eskort ni Trovador Ramos Jr. Ayon kay Chit Ramos, hindi nila inaasahan na kikita rin ito ng malaki. Sa katunayan plano nilang magbigay ng victory party. Kunsabagay bihira na kasi ang hard action film ngayon. Halos lahat ng action star natin ay unti-unti nang nag-iiba ng forte. Si Bong Revilla, gumagawa na ng light comedy film. Si Phillip Salvador naman ay bihira nang mapanood sa pelikula dahil sa kanyang Verano. Tanging si Lito Lapid na lang ang napapanood sa hard action films na nagkataon namang kasama ni Trovador sa Eskort kaya malakas ang response ng mga moviegoers.
Matagal nang pangarap ni Fredric na maging isang singer. Bata pa siya nu’ng una siyang sumali sa isang amateur singing contest. Kinanta niya ang hit song ni Michael Jackson na "She’s Out of My Life." Mga seven years old pa lang siya that time.
Siguro nga, nakatakda talaga siyang maging singer. Nagwagi siya sa "Tagisan ng Talino," isang songwriting contest na ginawa sa St. Louis University. Unang sali niya lang yun sa isang contest pero pinalad siyang magwagi. Pagkatapos noon ay hindi na niya naisip mag-join ng iba pang contest.
Kahit na kumuha siya ng kursong Psychology bilang paghahanda sa pagkuha niya ng Medisina, hindi pa rin nawaglit sa isip ni Fredric ang pagkanta. Sumunod sa London si Fredric para makasama ang kanyang pamilya. At doon nakapag-aral ng professional acting course at sa pagbalik niya sa Pilipinas ay nag-join siya sa Repertory Philippines hanggang nakalabas siya sa mga musicales tulad ng My Fair Lady. Ngayon ay sinubok naman niya ang mag-produce ng album.
Siya mismo ang namili ng mga songs na included sa self-titled album niya mula sa GoldenFox Productions (released thru Ivory Records).
"Ako mismo ang nag-asikaso sa lahat ng aspeto ng recording. Gusto ko na ako ang may artistic control para mailabas ko lahat ng aking ideas," he says sa presscon-cum-launching ng kanyang debut album.
Bukod sa Ako Na Lamang Ang Lalayo na carrier single niya, tampok din sa album ang iba pang compositions ni Fredric, kabilang ang isang revival. Gusto ni Fredric na sa pamamagitan ng kanyang mga awitin ay makilala siya ng mga Pinoy na mahiligin sa musika.
Bagama’t matagal din siyang tumira sa London, nanatili naman ang pagiging Pilipino ni Fredric sa isip, sa salita at sa gawa. Pruweba ang mga awitin niya sa kanyang album.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended